Raven POV
Everything will go according to what I want and that is to end everything with Tricia. I need to end our relationship for her own good. I not a good husband and I can’t be a good father too. Ending everything with her will be the best decision for us.
“Ang agang alak naman n’yan,” sabi ni Zander ng makita akong umiinom sa bar n’ya.
“I need this,” sabi ko sa kanya.
“Sean is looking for you,” sabi n’ya sa akin.
“Bakit daw?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko rin alam, pero may problema ka ba?” tanong n’ya sa akin at umiling lang ako sa kanya.
Walang nakakaalam ng pinagdadaanan namin ni Tricia ngayon, walang may alam na ilang taon na kaming may problema simula ng mangyari ang aksidente na ‘yon.
“Anong meron?” tanong ni Zack na kakarating lang.
Wala akong tinatawagan sa kanila kaya hindi ko alam kung bakit s’ya nandito. Zander owns this bar, so he has the reason to be here but Zack, I don’t know.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Zander kay Zack.
“Sean called and he said I should be here,” sabi n’ya at biglang dumating si Sean.
“Let’s wait for Franco,” sabi n’ya sa amin kaya tiningnan ko s’ya ng masama.
Wala akong oras para harapin sila lalo na ang taong ‘yon.
“I’m leaving,” sabi ko sa kanya.
“Raven naman, minsan lang natin makasama si Franco. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin okay sa kanya?” tanong ni Zander sa akin.
Natawa na lang ako sa sinabi n’ya, “Hindi ko gustong makipagkaibigan ulit sa isang katulad n’ya,” sabi ko sa kanila.
“At sino gusto mong maging kaibigan Raven? Kung makapagsalita ka parang sobrang linis mo at walang bahid ng kasalanan. Huwag kang mag-ilusyon na sobrang bait mo at isa kang banal,” sabi ni Franco na kakarating lang.
Tricia POV
Sobrang sakit ng katawan at ng ulo ko ng magising ako sa hindi pamilyar na kwarto, nanghihina pa rin ang katawan ko hanggang ngayon. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at wala akong lakas. Kulay puting kisame ang sumalubong sa akin ng idilat ko ang mata ko.
“Mabuti naman at gising ka na,” sabi ng isang pamilyar na boses sa gilid ko kaya inaninag kong mabuti kung sino ‘yon.
“Franco?” hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya.
“I’ll call your doctor,” sabi n’ya at iniwan ako.
Hindi ko na nagawang pigilan pa si Franco dahil hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako. Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa, ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil hindi ko na kayang labanan pa ang panghihinang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at blanko ang isip ko ngayon. Gusto ko lang magpahinga at ipikit ang mga mata ko pero napabangon ako ng wala sa oras ng maalala ko kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito ngayon.
My baby, napahawak ako sa may bandang tiyan ko para damahin kung buhay pa ang anak ko pero wala akong maramdam. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kasalanan ko ‘to, hindi ko inalagaan ang sarili ko kaya nawala sa akin ang anak ko.
“The doctor is here,” sabi ni Franco na kakapasok lang. “s**t! Why are you crying?” tanong n’ya sa akin at nilapitan agad ako.
“I lost my baby!” umiiyak na sabi ko sa kanya.
“Calm down Tricia,” sabi n’ya sa akin pero walang epekto ‘yon.
“Misis kumalma po kayo, ligtas po ang bata sa sinapupunan n’yo pero kailangan n’yo po ng pahinga. I suggest that you need to stay here for two days and completely bed rest for one week at home for your recovery, I will contact your doctor to check on you.” Sabi ng doktor na kasama ni Franco kaya lang ako nakalma.
Ang tanging naintindihan ko lang sa sinabi ng doktor ay ang buhay ang anak ko pero kailangan ko pa rin mag ingat. Akala ko nawala na s’ya sa akin.
“Thank you, Doc, iwan mo na kami.” Sabi ni Franco dito at hinarap naman ako ng makaalis ang doktor. “You heard the doctor; you need to rest. Where the hell is your husband and why did he leave you unattended?” tanong ni Franco sa akin.
Hindi ako makasagot sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko s’ya magawang tingnan ng diretso sa mga mata n’ya dahil hindi ko rin alam kung nasaan ba ang asawa ko ngayon.
“Salamat dahil dinala mo ako rito sa ospital para iligtas kami ng anak ko,” sabi ko na lang sa kanya.
“Kahit sino naman gagawin ang ginawa ko lalo na kung nasa ganyan sitwasyon pero ung tanong ko sa’yo ang sagutin mo Tricia. Nasaan ang asawa mo? Bakit wala si Raven sa tabi mo?” tanong n’ya sa akin.
“Busy sa trabaho and please don’t mention this to anyone,” sabi ko sa kanya.
“Kung sila maloloko mo Tricia, ako hindi. Raven is not busy with his work! Hanggang kelan ka magpapakatanga sa asawa mo? Hanggang kelan mo hahayaan na masaktan ka pati na rin ang anak n’yo sa pagiging manhid mo? Can’t you see that he is abandoning you?” tanong n’ya sa akin.
“Franco wala kang alam sa buhay namin ng asawa ko. Kaibigan ka nga nila pero hindi kayo magkasundong dalawa. ‘Wag kang makielam sa buhay namin,” sabi ko sa kanya.
Mahal ko ang asawa ko at alam kong katangahan na ‘tong ginagawa ko pero kasalanan ko naman kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon.
“Tama ka, wala akong alam sa buhay n’yo ng asawa mo pero hindi ako tanga para hindi makita na sinasaktan ka n’ya. I won’t bother your useless relationship with him but I’m warning you to stay away from him. Sinasaktan mo lang ang sarili mo, pati na rin ang anak n’yo. Whatever your reason why you’re staying with him, you should ask your self if all of this is worth.” Sabi n’ya at tuluyan ng umalis.
Napabuntong-hininga na lang ako, masaya ako na ligtas ang anak namin pero hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos ng ginawa ni Raven.