Chapter 5- Tricia POV

1075 Words
Ako ang sumira ng masayang relasyon na pinangarap ko. Dahil sa akin nasira ang matagal ko ng pinangarap na pamilya kasama s’ya. Ang nakaraan na pilit kong tinakatasan araw-araw ay kagagawan ko. Nagsisimula pa lang ang istorya ng buhay namin at madami pang mangyayari. Sa oras na gumising si Raven bukas babalik na sa dati ang lahat, magiging malamig na ulit ang pakikitungo n’ya sa akin at isa na ulit akong basura sa paningin n’ya. Basurang pinulot n’ya lang noon. Isa lang naman akong basura sa mga taong nakapalibot sa akin, kung hindi lang naman dahil kay Raven wala ako ngayon kaya hindi ko s’ya masisi kung bakit ganyan s’ya sa akin kahit na nga mag asawa kami. Sinisisi n’ya ako sa kasalanan na hindi ko naman ginustong mangyari at para sa kanya kailangan kong pagbayaran n’yon habang buhay. I’m living in hell. KINABUKASAN nagising na lang ako sa ingay na nagmumula sa baba kaya mabilis akong bumangon at nagbihis para tingnan kung ano ‘yon. Naabutan ko si Raven sa living area na nagbabasag ng mga gamit at halos nasira na n’ya ang lahat ng gamit namin. “Raven,” tawag ko sa kanya at akmang lalapitan s’ya pero napaatras ako ng lumingin s’ya sa akin. Nag-aapoy ang mga mata n’ya sa galit, ngayon ko lang s’yang nakitang ganito. “What happened?” galit na taong n’ya sa akin at hinawakan ako sa braso ko. “Raven nasasaktan ako,” daing na sabi ko sa kanya dahil sa higpit ng pagkakahawak n’ya sa braso ko. “Sabihin mo sa akin kung anong nangyari?” sigaw na tanong n’ya sa akin. “Walang nangyari Raven!” sagot ko sa kanya at itinulak s’ya palayo pero hinila n’ya ako saka tinulak sa sofa. Napahawak ako sa bandang tiyan ko dahil sa ginawa n’ya na ‘yon. “Raven please kumalma ka, wala akong ginawang masama sa’yo” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at bakit nagkakaganyan s’ya ngayon. Ilang beses naman ng may nangyari sa amin na lasing s’ya pero hindi s’ya ganito. “Sign the annulment papers Tricia,” sabi n’ya sa akin na ikinalaki ng mata ko. “Raven ‘wag mo naman akong iwan,” sabi ko sa kanya. “Wala ng papatunguhan ‘tong relasyon na ‘to! Ilang taon na tayong ganito Tricia!” sigaw n’ya sa akin. Hindi ito ang inaasahan kong bubungad sa akin pagkatapos ng nangyari kagabi. Bakit parang mas okay pa na hindi na lang n’ya ako pansinin kesa ung ganito? “Kaya nga ayusin natin at pag-usapan natin hindi ‘yang ganyan ka! Kagabi lang okay ka, you even said sorry to me pero ngayon gusto mo ng makipaghiwalay,” sabi ko sa kanya habang umiiyak. “Everything changed from the moment you drive that car!” galit na sabi n’ya sa akin. “Hindi ko ginusto ang nangyari nang gabing ‘yon Raven! Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraan gagawin ko para hindi ka nagkakaganyan ngayon. Hindi naman tayo ganito dati, maayos naman tayo pero dahil lang sa isang insidente na hindi ko naman ginusto nagbago ka na,” sumbat na sabi ko sa kanya. Hindi lang naman s’ya ung nasasaktan at nahihirapan sa relasyon na ‘to. “Kaya nga maghiwalay na lang tayo! Alam mo naman na sa simula pa lang kung anong meron tayo at hindi mo na rin kayang ibalik pa sa dati ang lahat dahil ung relasyon na binuo natin ay matagal ng sira!” mariing sabi n’ya sa akin. “Kasi sarado ‘yang isip mo sa lahat ng paliwanag ko sa’yo, ayaw mong makinig sa akin. Mas pinili mo pang pakinggan ‘yang sarili mo kesa sa akin na asawa mo,” may hinanakit na sabi ko sa kanya. Ayokong sumbatan s’ya pero ibang usapan na kasi ung annulment na hinihingi n’ya. Kaya kong tiisin lahat ‘wag n’ya lang akong iwan. “I want an annulment,” mariing sabi n’ya sa akin. Wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mga mata n’ya habang sinasabi n’ya ‘yon sa akin. Wala na ba talagang pag-asang maisalba pa ‘tong relasyon na meron kami? Pipiliin na lang ba talaga n’yang iwan ako pagkatapos ng lahat? “Kaya kong tanggapin kung may babae ka, hindi ako magrereklamo kung sasaktan mo ako at walang makakaalam ng sitwasyon natin h’wag mo lang akong hiwalayan,” desperadang sabi ko sa kanya. S’ya na lang ung pamilyang meron ako at hindi ko kakayanin na pati s’ya ay mawala lalo na sa sitwasyon ko ngayon. “Stop daydreaming Tricia, kahit anong gawin mo wala ng mababago” sabi n’ya sa akin at nilayuan ako. “Raven buntis ako at alam mo ‘yan, h’wag mo naman gawin sa amin ‘to ng anak mo” umiiyak na pakiusap ko sa kanya. “I don’t want that child Tricia, I never wanted to have a child with you after what you did!” mariing sabi n’ya saka tuluyan ng lumabas ng bahay. Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Raven na ‘yon. Hindi ako makapaniwala na magagawa n’yang itakwil ang sarili n’yang anak dahil sa galit n’ya sa akin. Kaya kong tanggapin ang masasakit n’yang salita basta h’wag lang n’yang idamay ang anak namin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko pero hinabol ko pa rin s’ya. Sinundan ko s’ya sa labas at humarang ako sa dadaanan n’ya. “Tricia get out of my way!” galit na sigaw n’ya sa akin. Umiling ako at hindi natinag sa pwesto ko. “Ayusin natin ‘to please,” umiiyak na sabi ko sa kanya. Ito ung panaginip na gusto na agad magising. Ayoko ng ganito. “I have a lot of things to do Tricia!” galit na sabi n’ya saka bumaba sa sasakyan n’ya. Kinaladkad n’ya ako papasok sa loob ng bahay at itinulak sa sofa. Hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko dahil mas matimbang ung sakit dito sa puso ko. “I don’t want to hurt you but please leave me alone!” mariing sabi n’ya at tinalikuran ako. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng mga luha ko hanggang sa nakaramdam ako ng sakit sa bandang puson ko kaya napatingin ako do’n at nanlaki ang mata ko ng makitang may dugong umaagos mula sa hita ko. “Raven!” sigaw ko sa pangalan n'ya at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD