Kabanata 40 Axel POV Hindi ko inaasahan na dito ko lang pala makikita ang taong kanina ko pa hinahanap, kung alam ko lang na nandito s’ya ay kanina ko pa binulabog ang unit ni Eireen para makita si Luna. I still need to talk to her, and this is my chance to do that. Hindi n’ya inaasahan na makikita n’ya akong muli base na rin sa naging ekpresyon ng muka n’ya ngayon. Hindi ko rin naman inaakala na dito ko s’ya makikita at hindi ko alam kung anong koneksyon ang meron s’ya kay Eireen, basta ang importante sa akin ngayon ay makausap s’ya at mabigyan ng linaw ang nangyari sa aming dalawa. Tiningnan ko lang s’ya at hindi ko inaalis ang tingin ko sa kan’ya at ganun din s’ya sa’kin. Wala akong pakielam kung nakaharang kami sa hallway at kung walang pumapasok sa’min sa loob ng unit. “Luna ano