Kabanata 3

2012 Words
Luna POV Nagising ako na nasa hindi pamilyar na kwarto kaya naman agad akong napabangon at doon ko naramdaman ang sakit sa ibabang bahagi ko. Inilibot ko ang paningin ko at umaasa akong makikita ko na ang mukha ng taong kasama ko kagabi pero nabigo ako dahil hindi ko siya nakita. Tanging ako na lang ang naiwan dito, kaya naman kahit hirap akong tumayo bumangon ako at isinuot ko ang mga damit ko saka mabilis na lumabas ng hotel room na ‘yon at umuwi sa bahay namin. Habang pauwi ako nakatanggap ako ng mensahe galing kay Mamang na nasa kaniya na daw ang buong bayad ng serbisyo ko kagabi, kaya naman siya muna ang unang pinuntahan ko para makuha ang pera na kailangan ko para sa operasyon ng kapatid ko. “Mamang,” tawag ko sa kanya at nilapitan siya ng makita ko s'ya. “Luna, buti naman maayos ang lagay mo. Hindi ako matahimik dahil nag-aalala ako sa iyo kagabi kasi kahit naman pumayag ka sa offer ko sa ‘yo, alam ko naman na hindi mo talaga gusto iyon at no choice ka lang,” sabi niya sa akin at tiningnan akong mabuti. “Okay lang po ako mamang,” sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti. Napabuntong hininga sya at tiningnan ako. “Oh, siya eto ang kinita mo kagabi. Sana maging okay na ang kapatid mo,” sabi niya sa akin at tinapik ako sa balikat saka inabot sa akin ang isang makapal na sobre. “Maraming salamat po Mamang dahil tinulungan niyo po ako,” sabi ko sa kanya at itinago sa dala kong bag ang perang binigay niya sa akin. “Wala kang dapat ikahingi ng thank you sa akin dahil ikaw naman ang nagtrabaho para makuha mo yang pera na yan. Hindi ko na yan binawasan kahit na dapat may komisyon ako dahil alam ko naman na kailangan mo talaga yan saka hindi ka naman lalapit sa akin kung hindi ka gipit na gipit,” sabi niya sa akin. Kaya naman niyakap ko siya “Salamat pa rin po,” sabi ko sa kanya. “Sige na, umuwi ka na para makapagpalit ka na ng damit at mapuntahan mo na ang kapatid mo,” sabi nya sa akin kaya humiwalay ako ng yakap sa kaniya at umalis na. Nang makarating ako sa bahay namin, ibinaba ko ang bag ko sa kwarto at dumiretso sa banyo saka naglinis ng katawan. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi umiyak habang kinakaskas ko ang sarili ko ng sabon. Ang dumi kong babae dahil nagawa kong ibigay ang puri ko sa taong hindi ko naman kilala at para sa pera. Ilang ulit akong nagsabon ng katawanan at halos wala na rin akong mailuha pa. Lumabas ako ng banyo at nagbihis saka dumiretso sa ospital kung nasaan ang kapatid ko. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko at ang pagod dahil ang importante sa akin ay ang makitang maayos na ang kapatid ko. Ang tanging nagbabantay lang sa kaniya ngayon ay ang kaibigan kong si Mia, kaya ng makarating ako sa ospital agad akong pumunta sa kwarto ng kapatid ko. “Luna, buti naman dumating ka na” sabi sa akin ni Mia ng makalapit ako sa kaniya. “Ano nang lagay ng kapatid ko?” tanong ko sa kanya at bahagya siyang umiling sa akin. Sa pag iling niya na iyon ay kinabahan na ako. “Bakit anong nangyari?” tanong ko sa kaniya. “Kasi kimumbulsiyon na naman siya kagabi at kailangan na niya talagang ma-operahan” sabi niya sa akin kaya naman tumulo na naman ang luha ko. “Asan ang doktor niya? May dala na akong pera para ma-operahan siya,” sabi ko sa kaniya at sinamahan niya ako papunta sa doktor ng kapatid ko. “Doc,” tawag ko sa kaniya at lumapit naman siya sa akin. Tumingin siya sa amin ni Mia at nagtanong. “May kailangan ba kayo?” tanong niya sa amin. “Ako ho ‘yung kapatid nung pasyente niyo na kailangang operahan agad,” sabi ko sa kaniya at tumango siya sa akin. “I already told you that we need to perform an operation as soon as possible but you must pay first because it is written in our policy.” sabi niya sa amin. “Magbabayad ho ako basta operahan niyo na ngayon ang kapatid ko parang awa niyo na po,” nagmamakaawang sabi ko sa kanya. “Sige, aasikasuhin na namin ang operasyon niya,” sabi niya sakin at agad ng kumilos. Nagpunta naman ako sa billing para tingnan ang bill namin sa ospital at para makapag bayad na din. “Patient name please,” sabi sa akin ng babae kaya ibinigay ko ang pangalan ng kapatid ko at may inabot naman siya sa akin na papel. “Next window na lang po para sa payment,” sabi niya kaya naman lumipat ako sa kabilang window at doon inabot ang resibo ng babayaran ko. “Two hundred thousand” sabi sa akin ng cashier. Inabot ko sa kanya ang pera at agad nyang iprinoseso ang bayad ko at ng matapos ‘yon, inabot niya sa akin ang resibo at naglakad na ako palayo doon. “Luna, saan ka kumuha ng ganon kalaking halaga?” tanong sa akin ni Mia at sinabayan ako sa paglalakad. “Mamaya ko na lang sa iyo iku-kwento ang lahat. Ang importante maging ligtas ang kapatid ko,” sabi ko sa kanya at nagtungo kami sa kwartong tinutuluyan ng katapid ko at doon ko naabutan na inililipat na siya sa stretcher para dalhin sa operating room, kaya sinundan namin siya ni Mia pero hindi naman na kami nakapasok sa loob, kaya naghintay na lang kami sa labas ng operating room. “Luna, magiging okay rin siya,” sabi niya sa akin at niyakap ako. “Salamat Mia at andiyan ka sa tabi ko,” sabi ko sa kaniya at sumandal sa balikat niya. “Luna tapatin mo ako, saan ka nakakuha ng ganon kalaking pera?” tanong niya sa ‘kin. Napayuko na lang ako at tumulo na naman ang luha ko tuwing naaala ko ang nangyari sa ‘kin. “Uy Luna, bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” tanong niya ulit sa akin. “Gumawa ako ng bagay na alam kong pagsisihan ko sa huli pero para naman iyon sa kapatid ko,” sabi ko sa kaniya kaya iniharap niya ako sa kaniya at tiningnan ng may pagtataka. “Luna, hindi kita maintindihan, anong ginawa mo?” tanong niya sa ‘kin. “Lumapit ako kay Mamang,” sabi ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya. “Luna, alam mong—” sabi nya pero hindi ko siya pinatapos. “Alam ko Mia, pero wala na akong magawa kung hindi lumapit kay Mamang. Gagawin ko ang lahat para lang mailigtas ang kapatid ko,” sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ako sa mga kamay ko at nagsalita. “Pasensya na wala man lang akong maitulong sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya umiling ako sa kaniya. “Wala kang dapat ika-hingi ng pasensya. Alam ko naman ang sitwasyon mo Mia, saka hindi naman madaling maghanap ng ganoong kalaking halaga,” sabi ko sa kaniya at pinunasan ang luha ko. Lahat ng hirap dadanasin ko para lang mailigtas ang kapatid ko. Kung sino man ang nakabunggo sa kaniya, sana mahanap na para mapagbayaran niya ang ginawa niya sa kapatid ko. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi nag aagaw buhay ang kapatid ko ngayon. Axel POV Tanghali na akong nagising at pagbaba ko, ang unang sumalubong sa akin ay ang ama ko na nagbabasa ng diyaryo sa sala. “Buti naman at gising ka na, may dapat tayong pag usapan,” sabi niya sa akin. “Ano yon Dad? Kung ipagpapatuloy lang natin ang away natin kagabi, wag na lang, aalis na ‘ko,” sabi ko sa kaniya at nilagpasan siya. “Anak dito ka na kumain,” sabi ni Mommy ng makita niya ako kaya lumapit ako sa kaniya at hinalikan s'ya sa pisngi. “Hindi na po. Kailangan ko ng bumalik sa opisina ngayon,” sabi ko sa kanya at naglakad patungo sa pintuan pero tinawag ako ni Dad. “Axel bumalik ka dito,” sabi niya sakin. Nilingon ko sya at tinanong. “Anong kailangan mo Dad?” tanong ko sa kaniya. “Ang sabi ko mag uusap tayo. May kailangan akong sabihin sa ‘yo,” sabi niya sa ‘kin kaya wala akong nagawa kung hindi lumapit sa kaniya. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya at tinanong siya. “Anong sasabihin mo sakin Dad?” tanong ko sa kaniya. “Bumalik ka na sa kompanya,” sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Di ba ayaw mong pahawakan sa akin ang kompanya mo? Anong nagpabago ng isip mo dad?” tanong ko sa kaniya at nagtinginan lang sila ni Mommy na lalo kong ipinagtaka. “Nag iisang anak ka namin at panahon na para ang pagtuunan mo ng pansin ay ang kompanya natin,” sabi ni dad sa akin. “Yung totoo dad, ano talaga ang dahilan?” tanong ko sa kanya dahil hindi ako naniniwala na ‘yon lang ang dahilan niya. All of a sudden sasabihin niya na bumalik na ako sa kompanya namin pagkatapos niya akong palayasin dahil hindi ako sumusunod sa kaniya at ngayon out of the blue, pababalikin niya ako. “Panahon na para tumigil ako sa pamamalakad ng kompanya Axel, dahil hindi na ako bumabata at dapat ikaw na ang magtuloy noon,” sabi niya sa ‘kin at tinapik ako sa balikat. “Pag iisipan ko dad dahil may sarili din akong kompanyang pinapalakad,” sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. Lumabas na ako ng bahay namin at sumakay sa kotse ko. Nagpunta muna ako sa condo para magpalit lang ng damit at pagkatapos no’n, dumiretso na ako sa kompanya para magtrabaho. Hindi ito ang panahon para magmukmok ako sa isang tabi dahil sa ginawa sa akin ni Reah. Ipapakita ko sa kaniya na mali siya ng naging desisyon. Habang abala ako sa pagtatarabaho, biglang pumasok sa opisina ko ang mga kaibigan ko na may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi kaya napailing na lang ako dahil paniguradong sinabi na ni Caius sa kanila ang nangyari kagabi. “Kung mang-iistorbo lang kayo, pwede na kayong umalis,” sabi ko sa kanila. “Hindi kami pumunta dito para istorbohin ka. May nabalitaan lang kami kay Caius na ginawa mo kagabi,” sabi ni Grant kaya napailing na lang ako. “What happened yesterday will remain nothing, kaya tigilan niyo ako at madami akong gagawin para mabawi ang babaeng mahal ko,” sabi ko sa kanilang dalawa. Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa binabasa kong mga papeles na kailangan kong pirmahan para sa mga susunod na project ng kompanya. “Axel kasal na si Reah kaya 'wag ka ng gumawa ng paraan para gawing komplikado pa ang sitwasyon mo,” sabi ni Karter sa akin. Binitawan ko ang hawak kong papeles at tiningnan s’ya. “Gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sa akin,” sabi ko sa kaniya. “Gusto mong maging kabit?” tanong sa akin ni Karter. Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya sa akin. “Wag kang magalit sa amin Axel dahil sinasabi lang namin ang mga pwedeng mangyari. Bakit hindi mo na lang kaya pagtuunan ng pansin ang babae na kasama mo kagabi,” sabi ni Grant sa akin. “I love Reah at walang mababago doon, end of discussion!” mariing sabi ko sa kanilang dalawa ni Karter. “Mahal mo nga pero pinagpalit ka naman sa iba,” sabi ni Karter sa akin. Lumabas na sila ng opisina ko at napailing na lang ako dahil sa mga sinabi nila. Buhay ko ito at ako ang bahalang magdesisyon ng dapat kong gawin dito. Wala silang pakielam sa mga hakbang na gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD