Kabanata 2

1826 Words
Axel POV Masama ang loob kong nilisan ang simbahan kung saan ikinakasal ang babaeng mahal ko. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na pumunta pa rito. Siguro, umaasa ako na baka hindi niya ituloy ang kasal at sumama na lang sa akin, pero mali ako dahil mas pinili pa niyang magpakasal sa taong hindi naman niya lubos na kilala. Kaya kahit maaga pa dumiretso ako sa bar para doon ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. "Ang aga namang inom n’yan brad," sabi sa akin ng magaling kong kaibigan nang makita niya ‘kong pumasok sa bar n'ya. "Sa tingin mo kung ang babaeng mahal mo nagpakasal sa ibang lalake, hindi ka rin ba magpapakalasing katulad ni Axel," sabi ni Karter kay Grant. Kung makapag-usap itong dalawa na ‘to parang wala ako sa harapan nila. Tumingin si Grant sa akin at nag salita. "Sabagay, may point ka Karter. Axel, alam mo may solusyon ako sa problema mo," sabi ng magaling kong kaibigan na si Grant. "Ano?" tanong ko sa kanya saka ininom ang isang basong puno ng alak."Babae," natatawang sabi n’ya kaya napailing ako ."Gago ka Grant, babae na nga ang problema bibigyan mo pa ng panibagong problema," Karter said to Grant kaya napailing na lang ako "Yun nga eh, babae ang problema niya eh di dapat babae din ang solusyon. Brad may alam ako at sigurado akong mawawala ang problema mo,” sabi niya sa akin at inakbayan ako. "Tigilan n’yo nga ako, nandito ako para makalimot, hindi para gumawa ng panibagong problema,” sabi ko kay Grant at sabay inom ng alak sa baso ko. Hindi biro ang ginawa sa akin ni Reah. Ipinagpalit niya ko sa isang lalaking wala naman binatbat. Kahit anong pagmamakaawa ko sa kanya na pakinggan niya ako at lumayo na lang kaming dalawa, wala siyang ginawa. I could give her everything I have pero mas pinili pa niya ang lalaki na iyon kesa sa akin. "Kaya ayokong magmahal eh," sabi ni Grant saka umiling na tumingin sa akin. "Kasi nga mahilig ka sa babae gago, magkasakit ka sana," sabi ni Karter kay Grant Tiningnan ng masama ni Grant si Karter dahil sa sinabi niya na ‘yon dito. "Gago ka din tingnan mo nga 'yang si Axel halos mabaliw na dahil sa pag-ibig," sabi ni Grant kay Karter kaya nilingon ko silang dalawa at tiningnan ng masama. "Kung pag uusapan n’yo lang ako na parang wala ako dito, lumayas na lang kayo sa harapan ko," sabi ko sa kanilang dalawa at ipinagpatuloy ang pag-inom ko. "Brad, pinapalayas ka sa sarili mong bar," sabi ni Grant kay Karter kaya mas lalo akong napailing sa kanilang dalawa. "Gago ka kasi, tara na nga iwan na natin 'yang si Axel at bukas nasa tamang pag iisip na ulit 'yan," sabi ni Karter kaya umalis na silang dalawa. Sa wakas tumahimik din. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-inom ko hanggang sa makaubos na ako ng tatlong bote ng alak, pero kahit na madami na akong naiimom, ramdam ko pa rin ang sakit na idinulot sa akin ni Reah. Apat na taong kaming magkarelasyon at umabot na kami sa puntong bubuo na ng isang pamilya but fuck, iniwan niya ako at ipinagpalit sa iba. Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa kanya? Ang yaman ko na para maghanap pa siya ng iba. Ano pa ba ang kulang sa akin para ipagpalit niya ko sa walang kwentang lalaki na ‘yon? Uminom lang ako ng uminom hanggang sa nagsawa ako at umalis ng bar at umuwi na lang sa condo. Pero bago pa man ako makatuntong sa building ng condo ko, umatras na ako at bumalik sa sasakyan ko dahil puro alaala nga pala niya ang meron sa condo ko at lalo lang akong masasaktan. Hindi ko talaga matanggap na nagawa niya ‘yon sa akin. Like I said earlier I could give everything even my own wealth, but sadly she chose to let go at nakakagago lang. Wala akong mapuntahan at hindi naman ako makauwi sa bahay ng mga magulang ko dahil mag aaway lang kami ng tatay ko, so might as well, I will just stay at the hotel, kaya tinawagan ko ang kaibigan kong si Caius. "What do you need Axel?" tanong niya sa akin ng sagutin niya ang tawag ko. "I need a place to stay and I want to forget her," sabi ko sa kanya. "Fucking love," sabi n’ya sa akin. “Just lend me some room, you moron," sabi ko sa kanya. "I will. Just go straight to my hotel and my staffs will lend you some room, plus I will give you a surprise to forget your ex," sabi niya sa akin at pinatay ang tawag. Wala na akong pakialam sa balak niya basta ang gusto ko makalimot at makapagpahinga. Mabilis akong nag drive papunta sa hotel na pagmamay-ari ni Caius at pagbaba ko ng kotse dumiretso ako sa loob at sinalubong ako ng isa niyang staff at ibinigay ang key card ng kwartong tutuluyan ko. Kaya naman dumiretso na agad ako sa eleavator at sumakay doon at pinindot ang floor kung nasaan ang kwarto ko. Nang bumukas na ang pinto ng elevator sa floor ko, lumabas na agad ako at nagtungo sa kwarto ko. I decided to take a quick shower and a nap para mawala ang epekto ng alak sa sistema ko at makapag-isip ako ng diresto, nang may biglang kumatok sa pintuan ko na ikinakunot ng noo ko. “Who the hell dare to disturb me?” I ask myself and I didn't bother to get up but may phone suddenly rang kaya wala akong nagawa kung hindi sagutin ‘yon. "What?" tanong ko ng sagutin ang tawag. "My gift is outside your door, papasukin mo na bago ka pa magsisi and have fun for tonight,” sabi niya sa akin at ibinaba ang tawag kaya naman ang ginawa ko, pinatay ko lahat ng ilaw saka binuksan ang pinto. Ang bumungad sa akin ay isang magandang babae na sa tantiya ko ay magkaedad lang kaming dalawa. “Come in," sabi ko sa kanya at pinapasok siya sa loob ng kwarto. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil kanina lang ayokong pumayag sa gusto ni Grant, pero eto ako ngayon nagpadala sa sinabi ni Caius. Naglakad ako papunta sa kwarto at tiningnan siya pero nag iwas siya ng tingin sa akin. She looks innocent but I don’t know kung eto ang paraan niya para makuha ang mga lalaki, ang daanin sa inosente niyang mukha. "Don't be shy," sabi ko sa kanya at hinila s’ya para maupo sa tabi ko at inaabangan ang mga gagawin nya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at naamoy ko ang mabango niyang katawan na nagpapainit ng katawan ko. "Magtititigan na lang ba tayo?" tanong ko sa kanya at ngumiti. Agad ko siyang hinapit papalapit sa akin "You’re shy. I thought you're good with this kind of stuff," bulong ko sa kanya at kinagat ang tenga nya kaya agad siyang napalayo sa akin. Pero mas hinila ko lang siya palapit sa akin "Don't go anywhere, sa pagkakaalam ko akin ka ngayon," bulong ko sa kanya at nagsimulang kumilos pero nanatili lang siya sa ganu’ng posisyon at wala man lang ginawa kaya pinakawalan ko siya. “You can leave if you want, ayoko ng may pinipilit,” sabi ko sa kanya kaya naman nagsimula na siyang kumilos at hinalikan ako na sinuklian ko din naman ng halik hanggang sa tuluyan ko na nga siyang inangkin. Pero hindi ko inaasahan na ako ang una niya kaya tumigil ako at tiningnan siya sandali at itinuloy ang paggalaw sa ibabaw niya hanggang sa parehas kaming nilabasan. Umalis ako sa ibabaw nya at humiga sa tabi nya at hinalikan siya sa labi bago siya makatulog. Tumayo ako at pumasok sa banyo saka naglinis ng katawan ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa ginawa ko. I ruined her innocence pero hindi ko na napigilan ang sarili ko, she’s like a drug na hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Lumabas ako ng banyo at nagbihis saka tiningnan ang babaeng nasa kama ngayon at lumapit sa kanya. “Thank you for a wonderful night,” bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa labi niya saka lumabas ng kwarto at tinawagan si Caius. Nang sagutin ni Cauis ang tawag ko sa kanya napailing na lang ako sa tanong nya “Did you enjoy my gift bro?” tanong niya sa akin. “Gago ka!” mariing sabi ko sa kanya. “Bakit hindi mo ba nagustuhan?” tanong niya sa akin saka tumawa. “I already left her in the room, I will transfer the money to your bank account later,” sabi ko sa kanya at pinatay ang tawag saka nag drive pauwi sa bahay ng mga magulang ko. Kanina ayaw kong umuwi doon pero eto ako ngayon andito sa bahay ng magulang ko, paniguradong tulog naman na ang mga iyon kaya dirediretso akong pumasok sa loob. “Anong ginagawa dito ng suwail kong anak?” tanong sa’kin ni Dad ng makita niya ako. Kung alam ko lang na gising pa siya sana hindi na lang ako nag punta dito “Bawal na ba akong umuwi dito? Masama bang dalawin ko si mommy?” tanong ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. “Ang sabihin mo kaya ka umuwi dito dahil tama ako ng hinala sa babaeng kinakabaliwan mo,” sabi nya sa akin. Kaya nag kuyom na lang ako ng kamao ko. “Anong napala mo sa kanya diba wala? Iniwan ka niya at nagpakasal sa ibang lalaki,” sabi niya pa sa akin pero hindi ko siya pinansin at umakyat na sa taas para pumunta sa kwarto ko. “Ganyan ka lagi tuwing nag uusap tayong dalawa. Lagi mo akong iniiwasan,” sabi niya sa akin kaya humarap ako sa kanya. “Dad, pwede ba pagod ako at gusto kong magpahinga. Ayokong mag away pa tayo dahil sa bagay na ‘to. Oo tama ka na dad, iniwan na nga niya ako at pwede ba kung mag aaway tayo bukas na lang ‘wag ngayon,” sabi ko sa kanya at umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. Simula ng maging kami ni Reah nagkaroon na kami ng hidwaan ng ama ko kaya naman malayo ang loob namin sa isa’t isa. Tuwing may gagawin akong desisyon gusto niya, siya lagi ang masusunod lalo na nung sinabi ko sa kanila na kami na ni Reah at isang suntok lang ang ibinigay niya sakin noon. Ayaw nya si Reah para sa akin dahil ayaw niya sa pamilya nito. Pero wala siyang magagawa dahil mahal ko si Reah at wala akong pakialam sa gusto niya dahil buhay ko ito at ako ang masusunod. Itakwil man niya ako. May sarili naman akong kumpanya, ako lang ang nag iisang anak nila kaya wala silang magagawa kung hindi ang tanggapin ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD