KABANATA 24 ALLY'S P.O.V. HINDI ko maiwasang mapangiti habang pinapanood ko si Frits na nagsusuot ng white polo niya. Nang magising siya kaninang umaga. Bumalik na ang dating siya sa dati. Nagising ako sa mahigpit na yakap niya at paghalik-halik niya sa leeg ko sa tuwing nagigising siya sa umaga. Ang paulit-ulit niyang pagsabi sa'kin ng I love you ay muli ko namang narinig mula sa kanya. Tapos na ang paghihirap ko, tapos na ang pagpatak ng mga luha ko. Bumalik na uli kami sa dati. Napansin naman ni Frits na nakatingin ako sa kanya kaya humarap siya sa'kin at pilyong ngumiti. "C-mon, Mamayang gabi na lang ulit Wife ko. Hindi na kaya ng tuhod ko." Parang kamatis ang mukha ko sa sinabi niya. Umagang-umaga kasi kung ano-ano ang iniisip niya. Lumapit ako sa kanya at isa-isa kong inayos ang