KABANATA 25 ALLY'S P.O.V. Namilog ang mga mata ko nang pagbuksan ko ng pintuan ang kaninang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. "Mama Faith?" Pinagmasdan ko pa si Mama Faith na nakatayo sa harapan ko at nakangiti sa'kin. "Kumusta na Ally?" Nakangiting sabi niya sa'kin. Lumapit pa siya, niyakap ako at hinalikan sa pisngi. "Mas lalo kang gumaganda ngayon." Bahagya kong inilayo ang katawan ko at muling tumingin sa kanya. "Akala ko sa susunod pa kayo uuwi?" "Nami-miss ko na kasi ang mga apo namin, kaya bumalik kami ng Daddy Paul mo dito sa. Nagsasawa na rin ako sa pagmumukh ni Paul." "Hanggang ngayon po ba? Workaholic pa rin si Daddy Paul?" Umikot ang eyeballs ni Mama Faith. Siguradong naiinis naman siya kay Daddy Paul. Umupo siya sa malambot na kama namin ni Frits at bumuntong-hininga.