bc

A Psychopath Obsession: Damien Delavega

book_age18+
8.6K
FOLLOW
64.7K
READ
billionaire
dark
body exchange
dominant
submissive
twisted
bxg
city
servant
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

"Make sure she's at my house before eight o'clock tonight." Kaagad pinilas ni Mr. Delavega ang isang tseke at iniabot kay Joel.

Nagising na lamang si Liezel De Guzman na pag-aari na ng isang Psychopath Billionaire na si Damien Delavega, matapos niyang ibenta ang sarili niya sa isang Robotics Engineer.

Malaking halaga ang kinakailangan ni Liezel upang mapalaya niya ang tatay niyang nakulong sa salang pagpatay kahit wala namang sapat na ebidensiya ang mga kapulisan. Naniniwala siyang inosente ang kanyang ama.

Ngunit dahil sa kawalan ng lakas at kayamanan ay hindi niya magawang ipaglaban ang kanyang ama. Kaya naman napilitan siyang ibenta ang sarili niya at magpanggap na isang robot doll na siyang kinahuhumalingan ng bilyonaryong si Damien Delavega.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Success
Liezel "Are you ready? Take a deep breath and relax. Alright? " ani Joel sa akin sa harapan ko. Ako naman ay kasalukuyang nakatayo at nakaposisyon na sa mismong center nitong studio niya, kasama ang iba pang mga robot doll. Suot ko ang isang napaka-seksing dress na color red, na hapit na hapit sa katawan ko. Litaw ang mga braso ko, ganun din ang mga hita ko. Nag-body bleaching pa ako para pumuti at kuminis ang balat ko. Si Joel naman ang gumastos nang lahat ng 'yon. Huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya. Inihanda ko na ang sarili ko para sa araw na 'to. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil ito pa lamang ang kauna-unahang beses na gagawin ko ito sa buong buhay ko, ang maging robot doll para lamang kumita ng malaking halaga. "Parating na si Mr. Damien Delavega, anumang oras. You already know what you're gonna do." Marahan niyang pinisil ang kaliwa kong pisngi. Muli naman akong tumango sa kanya. Hindi ko na magawa pang makapagsalita dahil sa kaba ngunit pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko. Nandito na ako at wala na akong plano pang umatras. Hulog ng langit sa akin si Joel at siya lang ang natatangi kong paraan upang mapalaya ko ang aking ama mula sa kulungan. Si Joel ay dati kong kaklase noong highschool at matapos ang walong taon ay muli kaming aksidenteng nagkita sa isang shop ng mga manikin. Nagkamustahan kami at nagkabalitaan. Nalaman kong sa ibang bansa siya nakapagtapos ng pag-aaral at ito na ang naging propesyon niya ngayon, ang gumawa ng mga makabagong teknolohiya. Siya ang nagbigay sa akin ng idea na ito na kaagad ko rin namang sinunggaban. Wala na akong mapagpipilian pa dahil isang kayod-isang tuka lamang kami ni tatay at ngayon ay nakulong pa siya dahil sa salang hindi naman niya ginawa. Kumuha ng isang malapad ngunit manipis na tela si Joel at isinaklob sa akin dahil sa ako ang pinaka-expensive na robot doll niya para sa gabing ito. At isang bilyonaryong hunk man, tycoon naman ang magiging customer niya. Dahil sa manipis lang naman ang telang puti na nakasaklob sa akin ay naaaninag ko pa rin ang buong paligid at nakita ko ang pagpasok ng isa sa mga assistant ni Joel sa pinto. "Nasa labas na po si Mr. Damien Delavega, Sir," magalang na sabi nito sa kanya na may kasamang pagyuko. Muli namang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaalamang naririyan na nga ang maaaring bibili sa akin. Hindi pa ako sigurado kung pipiliin niya ako dahil sa taas ng presyo ko kumpara sa mga kasama kong robot doll na nakahilera sa kanan kong bahagi. Ngunit nangako si Joel sa akin na gagawin niya ang lahat upang mahimok niya ang bilyonaryong ito. "Let him in." "Right away, Sir." Muling lumabas ng studio ang assistant niya at ilang minuto lamang ang lumipas ay muli itong bumalik kasunod na nga sa kanyang likuran ang bilyonaryong inaasahan namin ngayong gabi. Si Mr. Damien Delavega ay anak ng numero unong bilyonaryo sa bansang ito. Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa napakaguwapo niyang mukha na lahat ng babae ay kayang mahalina. Nakadagdag pa ang perfect bicep niya at formal na postura. Mayroon siyang intimidating eyes na parang kay daming itinitago ngunit nakakalusaw kung tumitig. Mga labing mapaglaro at nakakatunaw niyang mga ngiti. "Good evening, Mr. Damien Dalevaga. Happy to see you again," nakangiting bati ni Joel sa kanya kasabay nang paglahad ng kamay niya sa harapan nito. "Same with you, Mr. Xavier. And thank you also for the special treatment." "My pleasure, Mister Delavega." Magaan silang nagkamay sa isa't isa bago sila sabay na bumaling sa kinaroroonan naming mga robot doll. Ang dalawang bodyguard naman niyang kasama ay naiwan sa pinto ng studio at doon naghintay. Muli akong huminga ng malalim. Heto na talaga, kaya ko 'to. Wala na talagang atrasan 'to. Para sa tatay ko 'to at gagawin ko ang lahat nang makakaya ko upang maging successful ang gabing ito. Sinimulan nang ipakita at i-demo ni Joel ang mga robot doll sa tabi ko habang ako ang nasa pinakadulo at naghihintay sa pagsapit nila sa akin. "Well, their body shapes are perfect, and they look beautiful," puri ni Mr. Damien Delavega sa mga robot doll. Nababasa ko ang paghanga at lust sa mga mata niya. Alam namin ni Joel na matagal na siyang collector ng mga robot doll. At papalit-palit na lang din siya kapag siya ay nagsawa na. Alam din namin kung ano ang ginagawa niya sa mga 'yan. Ginagawa niyang parausan. "They are designed to meet the needs of men like us who will use them for extra-curricular activities. Despite being priced reasonably; they can serve the purpose well," nakangiting sagot naman sa kanya ni Joel. "You're right. As you said earlier, I'm already anticipating the unique and greatest robot doll you have planned for me." "Yes, Mr. Delavega! Don't worry, she's already here. This one was made specifically for you. It's perfect for you, and you will never regret it. I guarantee you that." At dumating na nga silang dalawa sa harapan ko. "Are you ready to see her?" tanong ni Joel sa kanya habang hawak na niya ang malapad na telang nakasaklob sa buong katawan ko, simula ulo hanggang paa. "I can't wait any longer," nakangiting sagot din naman sa kanya ni Mr. Delavega ngunit ang mga mata niya ay nananatiling nakatitig sa hugis kong nasa loob pa ng tela. "Well, check it out for yourself." Bago tuluyang hinila ni Joel ang telang nakatabon sa akin ay nakahugot na ako ng isang napakalalim na paghinga. Dumulas ang telang iyon sa ulo ko at pakiramdam ko ay bigla na lamang bumagal ang galaw nito bago tuluyang naalis sa katawan ko. Eksakto namang nagtama ang mga mata namin ng bilyonaryong si Mister Damien Delavega. Pakiramdam ko ay biglang huminto ang pag-inog ng mundo. Nagkagulong bigla ang mga laman-loob ko sa katawan, sumasabay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko na halos marinig ko na. Ngunit pinanatili kong kalmado ang isipan ko, katawan ko at maaliwalas kong awra sa harapan niya. "This is the most expensive robot doll I have ever created. She is constructed out of thermoplastic elastomer. The materials used in this product give it a vibrant appearance similar to that of humans. She resembles a real person in every way, including having a face, hair, full body, skin temperature, and internal air." Nag-umpisang lumapit sa akin si Mr. Damien Delavega habang nananatiling nakatitig sa aking mga mata at tila wala nang pakialam pa sa mga explanation ni Joel sa kanya. "You can talk to her like a real woman, and she can answer according to the subject. And most importantly, she can fulfil our needs as men... She can also do everything you order: household chores, cooking, laundry, and serving you." Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang pagngisi ni Joel sa kanya. Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Mr. Delavega kahit na isang saglit. "As for your request regarding her virginity—which you mentioned earlier—you will get it, Mister Delavega. I promise you—you are the only man who will touch her for the first time," paliwanag pa rin sa kanya ni Joel ngunit si Mr. Damien Delavega ay nagtuloy-tuloy pa rin sa paglapit sa akin. Hanggang sa hawakan na niya ang batok ko at bigla na lamang niyang siniil nang mainit na halik ang mga labi ko. Tila huminto muling bigla ang mundo ko. Bigla akong nanigas mula sa kinatatayuan ko habang nananatiling nakadilat ang mga mata ko. Nakikita ko ang pagpikit niya at paggalaw ng mga labi niya sa mga labi ko. Nalalanghap ko ang napakabango niyang hininga at nalalasahan ko ang tila menthol niyang saliva. Maging si Joel ay napahinto rin habang nakatitig sa amin at may nanlalaking mga mata. Napakalambot ng mga labi niya. Nakakapanghina. Nakakapangatog ng mga tuhod. Ilang segundo ang lumipas bago ako sinenyasan ni Joel na pumikit, na kaagad ko rin namang sinunod nang walang pag-aalinlangan. Ngunit doon din naman kusang binitiwan ni Mr. Delavega ang mga labi ko bago muling tumitig sa aking mga mata. Muli ko ring sinalubong ang kanyang mga titig habang nananatili ang maaliwalas kong awra. "The check," aniya kasunod ang mabilis na paglapit sa amin ng isa sa mga tao niya bitbit ang isang booklet ng tseke. "Sir." Kaagad niya itong tinanggap at mabilis na pumirma doon. "Thank you so much, Mr. Delavega. I assure you you'll never regret this one," ani Joel na bakas ang labis na tuwa sa mukha, at kumukutitap ang kanyang mga mata. "Make sure she's at my house before eight o'clock tonight." Kaagad pinilas ni Mr. Delavega ang isang papel ng tseke at iniabot kay Joel. Sa tingin ko ay mayroon na talaga silang presyong napag-usapan bago pa sila humantong dito. "Masusunod, Mr. Delavega." Iniwanan ako ng isang munting ngiti ni Mr. Delavega na may kasamang marahang paghaplos sa pisngi ko. "I'll wait for you," aniya habang taimtim na nakatitig sa mga mata ko bago siya tumalikod at tuluyang lumabas ng studio. Kamuntik na akong mawalan ng balanse. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ngunit ang mga labi niya, pakiramdam ko ay nararamdaman pa rin ng mga labi ko hanggang sa mga sandaling ito. Damn...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook