FIVE YEARS LATER Liezel "Daddy!" sigaw kaagad ng mahal kong anak na si Damzel nang matanaw kaagad niya ang daddy namin sa ibaba ng hagdan. Napalingon naman kaagad si darling dito sa itaas at napangiti. "Baby!" Buhat niya ngayon ang isa sa mga kambal naming anak na bunso na si Dame Lei. Dalawang taong gulang na ito ngayon. Ang kambal naman nitong si Dauvit ay buhat ni tatay. Nakasandal na ang ulo nito sa dibdib ni tatay. Mukhang inaantok na ang baby namin. Meron pa kaming pangalawang anak na sumunod kay Damzel, si Damiel na tatlong taong gulang na rin ngayon. Oo, isang taon lang ang naging pagitan ng mga agwat ng edad nila. Masyado kasing masipag itong daddy namin. Mabuti na lang nakaya ko silang apat. Pero sa ngayon ay pahinga muna ang matres ko. Gumamit na kami ngayon ng contraceptiv