Damzel "Ma'am, ako na lang po ang magdadala niyan sa laundry. Ako na po ang bahala." Napalingon akong bigla sa isang maid na lumapit sa akin. Natanaw ko pa rin si tita Lina sa labas ng guest room na inukupa namin ni King. Nakatitig pa rin siya sa akin habang may ngiti sa mga labi. Mukhang siya ang nag-utos sa maid na tulungan ako. Muli akong bumaling sa maid. "Alright. I'm sorry, huh. May mga mantsa 'yan. Huwag mo na lang amuyin. Hindi kasi maganda ang amoy." Ipinasa ko na rin kaagad sa kanya ang bedsheet at ang kumot. "Opo, okay lang po, Ma'am." "Thank you." "You're welcome po." Yumuko lang siya ng bahagya sa harapan ko at tumalikod na rin. Tuloy-tuloy na siyang bumaba ng hagdan. Muli kong nilingon si tita Lina, ngunit hindi ko na ito nakita pa sa hallway. Kaagad na rin akong bumal