Liezel INABALA ko na lamang muli ang sarili ko sa paglilinis ng buong bahay habang naghihintay ng hapon. Habang naglilinis naman ako ay naisipan kong hanapin ang mga nakatagong CCTV camera sa mga sulok nitong bahay. "Darling, nandyan ka ba? Nakikita mo ba 'ko ngayon?" tanong ko habang nakatingala sa bawat corner nitong second floor. Bitbit ko ang isang walis tambo. Naglakad ako patungo sa bar counter na naririto sa may ilalim ng hagdan patungo sa third floor. Dito sa second floor ay mayroon ding set ng sofa na pwedeng tambayan. Nakasarado naman ang sliding door ng balcony. "Saan ba nakalagay dito ang camera mo? ... Darling... Ang galing mo namang magtago." Ngumiti na lamang ako habang nakatingala pa rin sa kisame. "I miss you!" Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nagsasayaw ako habang ha