CHAPTER 30: Magic Words

3330 Words

Liezel NAGMADALI na ako sa pagbaba sa second floor at naglakad pabalik sa inuukupa naming table. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakarating doon ay bumungad na si Damien sa pinto mula sa labas at ngayo'y nakatitig sa akin. Napahinto rin ako sandali mula sa paglalakad habang nakatitig din sa kanya. 'Yong paraan nang pagtitig niya ay tila binabasa ang nilalaman ng isip ko. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa table namin. Naupo na akong muli sa silya ko, at ganun din siya sa tabi ko. "Oh, sakto. Kumpleto na ang mga pagkain. Tsibugan na!" Masayang dinampot ni Joel ang mga kubyertos niya, ganun din naman si tatay. Nakahayin na sa harapan namin ang napakaraming pagkain. Ramdam ko mula sa gilid ng aking mga mata ang paglingo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD