5- "So near yet so far..."

1023 Words
"Hi, Tristann. Pinadalhan ako ni mommy ng cookies, I reserved some for you. Masarap 'to, promise," nagpapa-cute na sabi no'ng maganda at kikay na kikay na first year high school nang binantayan talaga si Tristann sa tanghaling tapat papasok ng classroom nila. "Talaga? Hindi ka na dapat pa nag-abala, Shane. Pero thank you, ah?" mabait namang tugon ng binatilyo rito saka tinanggap ang cute na cute na tupperware ng cookies. She smiled even more. Kilig na kilig. "Tikman mo na. Masarap 'yan, as in." And she even opened the tupperware. Para hindi na kulitin pa'y kumuha na nga lang ng isa si Tristann kahit na ang totoo'y busog pa rin ito dahil kala-lunch lang naman. He took a crunchy bite. "Ano? Okay, 'di ba?" Tristann smiled and nodded at the girl. "Masarap naman. Salamat ha." "Talaga? Nagustuhan mo?" Tumango ulit ito. "I'm so happy na nagustuhan mo! Hayaan mo't sasabihan ko si mommy na everyday siyang mag-bake at sobrahan niya lagi para may mai-share ako sa 'yo!" "Kahit hindi na. Hindi na kailangan, Shane. Okay lang naman, eh. Thankful na ako na nag-share ka ngayong araw," natatawang sabi ni Tristann sa hopeful na dalagita. But Shane shook her head and insisted. "No. Basta sabihan ko si mommy everyday niya akong ipag-bake para may maiabot palagi akong food sa 'yo!" Umalis ang dalagita na abot-abot ang ngiti hanggang tenga. Ang inosenteng totoy namang si Tristann ay nakangiting umiling-iling na lang din at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mamataan nitong masasalubong nito si Vien sa paglalakad ay malapad at may buong friendliness na ngumiti ito samantalang ang huli nama'y simpleng tumango lamang biglang pagtugon at 'ni hindi tinapunan ng tingin si Tristann. Hindi lang isang beses na may nakikita at napapansin si Vien na mga babaeng nagpapa-cute kay Tristann. Tanghali rin minsan nang halos sabay lamang silang dumating sa classroom. Nakaugalian kasing sunduin ng kani-kanilang drivers tuwing tanghali, eh, at magtanghalian sa bahay. And then after lunch, pahatid na ulit sa school for afternoon classes. Nagsabay sila sa pagpasok ng silid-aralan at napatingin kaagad si Vien sa isang tumpok ng mga kababaihan sa isang gilid habang nakatingin kay Tristann at ngiting-ngiti ang mga lokaret! "Hi, Tristann! Good afternoon!" Nagsikawayan pa nga ang mga ito sa binatilyo. Si Tristann namang nakatayo sa kanyang seat at kalalagay lamang ng bag ay nag-angat ng tingin sa mga ito at palakaibigang gumanti ng ngiti at kumaway. "Hello. Good afternoon sa inyo." Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagsisikuhan pa ng mga kaklaseng babae dahil sa kilig. Napailing si Vien at tahimik na umupo na nga lang din sa kanyang seat. Pakalit na tiningnan niya si Tristann. Tahimik na nakaupo na ito at nakatanaw sa malayo na tila nagmumuni-muni. Ano bang nakita ng mga babae sa isang 'to? Tahimik na tanong ng kanyang utak. Tristann looks like just a typical guy na kagaya ng ibang mga classmates and schoolmates nila. Fresh ito sa ngayon dahil malamang kagagaling lang ng bahay pero mayamaya lang kapag nakipaglaro na 'yan sa mga kaklase sa labas, aba'y dungis-dungis at pawisan na rin 'yang isang 'yan! Yes, he may have a cute look dahil na rin siguro sa natural na singkit na mga mata nito, but in her opinion, there's nothing so special about him. His two-block hairstyle is no different from the others who are trying to look like and style as if Korean oppas. Minsan pa'y nang may essay writing exercise sila sa English, hanap nang hanap si Vien ng ballpen mula sa kanyang bag ngunit wala talaga siyang mahagilap na kahit na isa. "Ngayon ko pa talaga nakalimutan ang pencil case ko! 'Ni isang ballpen na nagkalat dito sa bag, wala!" halos na nagdadabog na aniya habang patuloy sa paghalughog. Mayamaya'y may naramdaman siyang kumakalabit sa kanyang balikat, at pagtingin niya'y walang iba kundi si Tristann Lee. "Yes?" iritableng tanong niya rito. Kita na ngang abala siya sa paghahanap ay ngayon pa ito mang-i-istorbo! Katulad ng lagi ay mabait na ngumiti ito. "Naiwan mo ba ballpen mo?" Inabot nito ang extra pen nito sa kanya. "Hiramin mo na lang muna 'tong sa akin. Hindi ko naman 'to gagamitin, eh." Ngumiwi siya. She knew that his intention of sharing was good, pero ewan ba niya, hindi niya feel! "Uhm, thanks, but no thanks," simpleng pagtanggi niya saka nilingon ang nakaupo sa kanyang likuran na si Darren. "Dala mo extra pens mo? Pahiram naman ng isa, oh." Ngumisi ang nasabing classmate sa kanya tapos ay inabot nga ang hinihiram niya. "Sure, basta ba ikaw, first honorable mention!" Marahang natawa siya saka komportableng tinanggap 'yon. "Thank you, Dar! Confident ako kapag sa 'yo nanghihiram ng ballpen kung naiiwan ko sa bahay 'yung mga ballpen ko, eh, because remember the last time na nanghiram ako sa 'yo? Aba, kahit wala masyado akong study sa Math no'n pero na-perfect ko pa rin 'yung solving sa short quiz! I guessed, may dalang suwerte sa akin 'tong ballpen mo!" Nagtaas ng kamay si Darren para makipag-high five at tinugon nga naman niya. Umupo ulit siya nang matuwid na hindi na bad mood. Ito pa 'yung isa sa reasons kung bakit ayaw niyang tumanggap ng tulong nang basta-basta sa kung sino lang, eh, lalo na sa transferee at baguhang si Tristann kasi hindi siya komportable at hindi pa niya labis na kilala 'yung tao, kaya mas okay kung sa mga dati pang mga kaklase niya siya mag-reach out kung may kailangan. Isa pa'y ayaw din niyang magkautang na loob sa taong hindi pa niya ganoong kakilala, ano! Little did she know, Tristann was looking at her all the way, and he felt so offended sa pagtanggi niya sa pagpapahiram nito ng ballpen. As if namang may nakakahawang sakit ito na para bang iwas na iwas si Vien dito at 'ni hindi gustong makahawak man lang ng isa sa mga gamit niya. He was even doubting himself kung ano bang mali sa sarili at tila umiiwas ang dalagita, kaibang-kaiba sa ibang mga kababaihan na kulang na lang ay maglupasay sa pagpapapansin at pagpapa-cute sa kanya makuha lamang ang atensyon niya! Vien was so distant that she was near yet felt so far!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD