6- "Liar!"

1224 Words
Nagkaroon lamang ng bahagyang kapanatagan at liwanag sa mga katanungan sa isipan ni Tristann nang makita at mapagtantong hindi lang naman sa kanya mailap si Vien, kundi nasa attitude talaga nito ang pagiging natural na snob lalo pa't sa mga taong sa tingin nito'y walang-walang ibubuga rito tulad na lamang noong may tagaibang year level at sections na nagpapapansin dito. "Good morning, Vien." Halos magulat nga siya nang tila walang narinig si Vien nang sandaling 'yon at taas-noong tuluy-tuloy lang sa paglalakad. Napahiya tuloy 'yung boy na kawawa at hindi man lang 'ni tiningnan ng dalaga bagkus ay parang hindi nakita at nilagpasan lang. Napailing na lang si Tristann habang nakatingin kay Vien. Ibang klase talaga! Isang tanghali naman nang makarating si Vien sa classroom at nakapalibot ang chairs ng grupo ng mga kaibigan nina Tristann na humalo mula pa sa higher years at kabilang sections. "Uy, nandiyan na si Vien, oh! Crush mo!" siko ni Edgar sa kaibigan nilang si Ives. Si Edgar ay mula sa senior samantalang si Ives naman ay ka-batch lang nila ngunit nasa third section ito sa kasalukuyan. Tinitigan nga ni Ives si Vien tapos ay abot hanggang tenga ang ngiti. "Nunkang papansinin ka niyan! Asa ka naman, Ves!" natatawang asar ni Jaden. "Subukan nga natin!" nakangising sinabi ni Zack tapos ay tinawag nga ang pangalan ng babaeng pinag-uusapan nila. "Vien!" Nuon napatingin ang dalagita sa grupo nila. "Hi daw, sabi ni Ives!" Natatawa na nahihiyang inakbayan pa nga ni Ives ang kaibigan sa pagbubuko nito kay Vien. Vien just stared at them blankly for a minute, at walang pakialam na kibit ng balikat tapos muling tumalikod sa kanila. "Wala! Basted!" tatawa-tawang hiyaw ni Edgar kay Ives. Sinabayan pa nga ng halakhak ng ibang mga kaibigan! Si Darren na kasali din sa grupo ay ngising napailing-iling na lang. Samantalang si Tristann? He just felt there was something not right in what happened. Oo nga't nagkakatuwaan lang sila pero 'yung ginawa ni Vien na pambabalewala at para bang tingin sa kanila'y mga basurang hindi dapat pinag-aaksayahan ng kahit konting sandali man lang? Hindi ba ito makapagpakita man lang ng kahit na konting pakikisama? Kahit na ngumiti man lang ito sandali. Hindi talaga nito nagawa! Para bang kahit simpleng ngiti nito ay napakamahal! She's totally out of their league, at hayagan nitong pinakikita iyon sa lahat na para bang kahit sino'y hirap na abutin ang tulad nito! Why? It's because she's pretty and she's oozing with so much intelligence? What an arrogance! Mahina ngang nagsalita siya sa katabi at classmate na si Darren. "'Di ba magkaibigan naman kayo ni Vien? Ganyan ba talaga siya kasuplada at ayaw mamansin?" "Ganyan talaga siya. Masyado kasi siyang nakatuon sa academics kaya lahat ng alam niyang hindi makakatulong sa kanya at wala namang pakinabang, eh, sorry na lang pero talagang no pansin sa kanya." Tumangu-tango si Tristann, hindi pa man niya lubusan talagang naiintindihan pero napagtatagpi-tagpi na niya nang dahan-dahan ang personalidad na mayroon si Vien. "Sa totoo lang, marami akong naririnig na may crush diyan, eh. May mga admirers siya from different year levels, pero wala siyang ibang kaibigan maliban sa iilan at pili lang na mga kaklase natin, kaya nga 'yung mga tagaibang section na gusto sana siyang ligawan? Ayaw na lang tumuloy at magsabi dahil baka mapahiya lang. Ang pinakaayaw din kasi niya sa lahat ay 'yung mga taong hindi niya ka-level ng galing at talino sa klase. Awto ekis mga 'yon sa kanya," mahaba ngunit chill lang na paliwanag ni Darren. Malamang ay kilala na nito si Vien kasi nga mula first year ay classmates na ang mga ito. Tristann silently sighed. Kaya pala! Wala na siyang masabi pa. Walang katulad ang isang Vien Imperial! Napakataas! Ang hirap-hirap na abutin! Kulang na lang sabihin ni Darren na dapat tawirin ng isang tao ang bundok, sisirin ang kalaliman ng dagat, at sungkitin ang mga bituin sa kalangitan para lang mapansin ng isang tulad ni Vien! Simula no'ng araw na 'yon ay may namuo nang ideya sa murang isipan ng isang Tristann Lee… "As usual, Vien got the highest score in our last long quiz," anunsyo ng Chemistry teacher sa harapan nang sumunod na mga araw at nagkaroon sila ng pagsusulit. "Thirty over thirty. Perfect!" Vien confidently went in front to get her quiz paper. Pinalakpakan siya ng kanyang mga kaklase at masaya para sa kanya. May iba namang walang pakialam dahil ano pa nga ba naman ang nakakagulat at nakakasurpresa? Eh, lagi naman siyang nangunguna sa klase at pinakamataas lagi sa mga ganitong pagsusulit at sa mga mismong periodical exams! Proud na nakabalik siya sa kanyang seat dala-dala ang result niya. "Sino sa tingin ninyo ang nakakuha ng second highest score?" Their teacher teased them. "Si Nancy!" "Darren!" "Sebastian!" Binanggit ng mga kaklase ang names ng madalas na nasa honor lists at 'yung ibang potential honor students. Yes, Vien was confident it was either Darren or Nancy kasi ang mga ito naman ang magkakasunod sa kanya sa class ranking. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya at ang tuwa ng ibang mga classmates nila nang isang hindi talaga niya inaasahang pangalan ang tawagan nito. "With a score of twenty-nine over thirty. Just one mistake, at perfect na din sana! Congratulations, Tristann Lee!" "Wow!" "Nakakagulat! Matalino din pala si Tristann!" "Ayiee! Kinikilig na naman ako!" Naaalibadbarang nilingon nga niya ang mga kababaihan sa likuran at ngiting-ngiti habang pinanunuod si Tristann sa pagkuha ng quiz paper nito sa harapan. She watched him as he went back to his seat with that confidence and happiness. She almost rolled her eyes. Baka naman nangopya lang! "Next, ang mga nakakuha ng twenty-seven over fifty ay sina Nancy at Sebastian. twenty-five si Darren…" And so on and on. Nag-bell na't break time na, ang iba'y nagsipunta sa canteen upang bumili ng pagkain at magmeryenda sandali pero si Vien ay hindi pa rin mapakali sa kanina pang iniisip. Paano kaya siya naka-one mistake? Sino kayang nagpakopya sa kanya? Para matuldukan na ang iniisip at ang gumugulo sa utak ay nagpasya siyang personal nang tunguhin si Tristann para diretsahang tanungin ito. Kasalukuyang nagdo-drawing si Tristann sa notebook bilang isa sa mga nakagisnan nilang pastime during class breaks. Napansin nito na may nakatayo sa harapan nito kung kaya't nag-angat ito ng tingin, at bahagya pa ngang nabigla nang makita siya. "Vien…" sambit nito sa pangalan niya. "Kanino ka naman nangopya?" she asked frankly and brutally. Bahagyang kumunot ang noo nito. "Anong sinasabi mo, Vien?" Lalo lang siyang nakaramdam ng inis. "Huwag ka na ngang magmaang-maangan na parang hindi mo alam! Everybody here knows na hindi ka naman makakakuha ng high score sa long quiz kung walang nagpakopya sa 'yo! So, tell me, sinong nagpakopya sa 'yo?" Sumama bigla ang mukha nito. "Iniinsulto mo ba ako, Vien? Hindi ako nangopya kahit na kanino. I studied hard and listened to the teacher very well, kung kaya't nakakuha rin ako ng malaking score!" "Liar!" "Totoo ang sinasabi ni Tristann, Vien. Nakita ko siyang nagre-review bago tayo nag-quiz. Nagtanong pa nga ako sa kanya nu'ng ibang mga hindi ko naintindihan sa notes ko, eh!" pagtatanggol ni Sebastian kay Tristann. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkapahiya roon, lalo pa't nang tumingin siya sa ibang mga kaklase na nanunuod at nakakarinig sa kanila tapos ay ang sama ng tingin sa kanya na para bang lumabas na napakakontrabida niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD