Tinalikuran niya sina Tristann at Sebastian tapos ay halos nagdadabog na bumalik sa seat niya. Pinagkrus pa nga ang kanyang mga braso. Wala na! Sira na buong araw niya! Samantalang naglahat naman ng pakikipag-fist to fist ang kaibigan ni Tristann na nagdepensa sa kanya. He added it without breaking eyes sa nakatalikod na si Vien sa kanila. Sebastian even tapped his shoulder bago siya muling iniwan mag-isa. Kumuyom ang mga kamao ni Tristann habang titig na titig pa rin sa likod ni Vien. Ang akala pa naman niya'y magiging mabait at maluwag na ang pakikitungo nito sa kanya kung ipapakita din niya ang kanyang angking galing at talino, ngunit hindi pala! Kabaliktaran ang nangyari! Ang pangyayaring 'yon ang tila nagtulak at nag-udyok pang lalo kay Tristann upang magpakitang-gilas na rin sa

