Chapter 17: Patungo sa Firaga

1033 Words
Zeth Sa pagsakay namin sa isang malaking balyena patuloy kaming naglakbay hanggang sa makarating kami sa may dalampasigan. Alam kong kailangan naming magmadali dahil hindi biro ang kinakaharap ngayon ni Aira, ngunit anong magagawa namin, hindi kami makapapasok sa underworld kung hindi kami dadaan sa Firaga Kingdom – ang kaharian kung nasaan ang elemento ng apoy. Isa ang Firaga Kingdom sa aming pupuntahan ni Aira, ngunit hindi ko akalain na pupunta kami roon na wala siya, dahil maaari naming makumbinsi si Ifrit kung makikita niya ang reyna sa katauhan ni Aira. Ang Firaga Kingdom ay ang kahariang nasa timog na bahagi ng daigdig. Dito nakatalaga ang elemento ng apoy at humahawak sa mythical creature na Phoenix. Ang naghahari sa lugar na ito ay ang prinsipe na si Ifrit Sun. Si Ifrit ay isang lalaki na may malaki at matipunong katawan dahil batak siya sa pakikipaglaban. Madalas na mainitin ang kanyang ulo tulad ng kapangyarihang pinanghahawakan niya. Si Ifrit ay mortal na kalaban ni Pontus, kaya alam naming mahihirapan kaming mapasapi siya sa amin dahil sa alitang namamagitan sa dalawa. Sinimulan kong itapak ang aking paa sa buhangin ng dalampasigan. "Paalam, balyena!" parang batang kaway ni Pontus sa balyenang naghatid sa amin dito. Marahan kong inikot ang aking paningin sa paligid, tanging buhangin na may kaunting puno ng buko lang ang aking nakikita. "Sigurado ba kayo na dito ang daan patungo sa Firaga?" tanong ko sa dalawang lalaki na aking kasama. Wala akong kasiguraduhan dahil kahit kailan, hindi pa naman ako nakarating sa lugar na iyon, dahil ang firaga ang isa sa iniiwasang kaharian sa mundong ito. "Oo, ilang beses na rin akong nakapunta sa lugar na iyon. Pero bakit parang may mali." Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabing iyon ni Aranyani. "Anong mali?" tanong ko. Marahan siyang lumakad palayo, saka inikot ang paningin sa isla. Nababakas ang pagtataka sa kanyang mukha na animoy may kakaibang nagbago sa islang ito. "Masiyadong tuyo ang islang ito. Hindi ito ganito noong mga nakaraang punta ko rito. Ang lugar na ito ay sagana sa likas na yaman, ngunit ngayon, tila nasa ilalim sila ng itim na kapangyarihan," paliwanag niya. "Sige, hayaan nyo akong magtanong sa mga karatig lamang dagat sa paligid," wika ni Pontus. Marahang lumakad si Pontus patungo sa tubig ng dagat. Lumuhod siya rito at gamit ang kanyang hintuturong daliri, pinatong niya ito sa ibabaw ng tubig dahilan upang magkaroon ng kakaibang tunog na pumalibot sa paligid. Marahang pinikit ni Pontus ang kanyang mga mata. At sa muling pagmulat ng mga ito, isang malakas na liwanag ang bumalot sa kanyang katawan. Ilang bahagi ng tubig ang umangat at nagmistulang pader sa aming harapan. Marahang tumayo si Pontus at binukas ang kanyang palad. Tinapat niya ito sa malapader na tubig. Hanggang sa maya-maya lang, isang imahe ang pinapakita sa reflection ng tubig na ito. "Ipakita mo sa amin ang nakaraan ng islang ito," wika ni Pontus. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang malakas na apoy sa loob ng reflection. Isang malaking apoy ang nagsisimulang tumupok sa mayamang kalikasan na nakatayo sa isla na ito. Hindi ko alam kung bakit ngunit ramdam ko ang naghihinagpis na kaluluwa ng mga puno na unti-unting namamatay. Ang pagsigaw ng kanilang kaluluwa at tila pinarurusahan sa apoy ng impyerno. Mariin kong tinakpan ang aking tainga. Hindi ko kayang pakinggan ang pag-iyak ng kanilang kaluluwa. Napakasakit ng kanilang pag-iyak na animoy hindi nila nais ang nangyayari sa kanila. Unti-unting nasunog ang halos kalahati ng islang ito. Tanging buhangin at kaunting puno ng buko ang naiwan sa paligid. Sino ang may kagagawan ng bagay na ito? May kung anong kuryente ang biglang gumapang sa aking katawan nang may isang imahe ng lalaki ang lumabas sa reflection ng tubig. Maging si Pontus at Aranyani ay tila nabalutan ng matinding pwersa nang makita namin ang lalaking iyon. Nakasuot siya ng balabal at kalahati ng kanyang mukha ay natatakpan ng suot niyang ito. Hanggang sa maya-maya lang, nilahad ng lalaking iyon ang kanyang kamay at nakita namin ang isang bolang apoy na lumulutang sa kanyang palad. Ang hawak niyang iyon ay nagbigay liwanag sa kanyang mukha. "Hadium!" nagngingitngit kong wika. Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila alam na ni Hadi na makikita namin ang bagay na kanyang ginawa. Dahil nang banggitin ko ang kanyang pangalan, isang matalas na tingin ang ginawa niya sa reflection at saka matalas na ngumisi. Sa pagngiti niyang iyon, agad na sumabog ang pader na tubig at tumapon ito sa amin, dahilan upang itakip namin ang braso sa mukha. "Si Hadi ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kumikilos na siya. Unti-unti na niyang sinisira ang lahat," wika ni Pontus. "Ang lalaking iyon, hindi pa rin siya sumusuko at lalo pang lumalakas ang kanyang kapangyarihan dahil sa galit na kanyang nararamdaman," wika ko. "Tama na 'yan! Ang mahalaga alam na natin ang nangyari, kailangan na natin iligtas si Aira sa lalong madaling panahon." Sabay kaming sumang-ayon ni Pontus sa sinabing iyon ni Aranyani. At seryosong tumingin sa buhangin kung saan nakalapat ang aming mga paa. "Kakailanganin ko ang kapangyarihan nyo," muling wika ni Aranyani. Tumango lang kami ni Pontus. Sinimulang ihakbang ni Aranyani ang kanyang paa patungo sa gitnang bahagi ng isla. Lumuhod siya sa buhangin at nilapat ang dalawang palad dito. Sumunod kami sa kanyang kinaroroonan saka hinawak ang aming palad sa magkabila niyang balikat. Sinimulan kong ilabas ang pwersa mula sa aking katawan patungo sa gitna ng aking palad, saka binigay ang enerhiyang kailangan ni Aranyani upang mabuksan ang lagusan patungo sa Firaga. Isang kulay brown na liwanag ang pumalibot sa aming katawan. Nagtungo ang pinagsama naming enerhiya sa palad ni Aranyani na nakalapat sa lupa, hanggang sa maya-maya lang isang malakas na pagyanig ng lupa ang aming naramdaman. Unti-unting nabiyak ang buhangin na aming tinatapakan, hanggang sa maya-maya lang, nahati ang buhangin na ito at lumikha ng isang hagdanan na animoy daanan patungo sa ilalim ng isla. Nang tuluyang makumpleto, agad kaming tumayo at tinitigan ang nabuong daan. "Handa na kayo?" tanong ko sa dalawang lalaki na aking kasama. Tumango sila at diretsong tumingin sa akin. Sinimulan naming ihakbang ang mga paa papasok sa lagusan na iyon. Hintayin mo ako, Aira. Ililigtas kita...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD