Chapter 3

1333 Words
NAPAGDESISYUNAN nila ni Nanay Ising na doon muna siya sa bahay ng mga ito tumira pansamantala. Good for her para na din mas mapadali ang misyon niya. Maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mga ito maliban kay Matteo na mukhang mainit ang dugo sa kanya. Matapos kasi nilang kumain ay lumabas agad ito ng bahay, tinignan pa siya ng masama. "Pagpasensyahan mo na yang si Matteo ha? Mabait naman talaga yan." sabi sa kanya ni Ysmael habang nakatingin sila sa papalayong bulto ng binata. "Bakit mukha siyang galit sa akin?" nagkamot naman ng batok si Ysmael. Mukhang nahihiya ito sa gustong sabihin sa kanya. "Eh kasi..." ramdam niya ang pag-aalangan nito na sabihin sa kanya ang totoong dahilan. "Kasi ano? Sabihin mo na Ysmael, promise hindi ako magagalit." "Medyo kapos kasi kami sa pera ngayon lalo na't malapit na ang pasukan ng mga bata sa school, ang inaalala lang ni Matteo baka daw hindi ka sanay sa hirap ng buhay dito dahil mukha ka daw mayaman..." gustong matawa ni Addison sa itsura ni Ysmael habang nasasalita. He looks like a child na nagpapaliwanag sa ina nito dahil gumawa ito ng kasalanan. She can't help herself to pinch his cheeks. "Ang cute mo!" tila naman natigilan ito at tumitig sa kanya. "Uy, ayos ka lang?" Tinapik niya ito sa balikat. "H-ha? Ah, oo, kuwan, atsaka, mahirap din magtiwala iyang si Matteo lalo na sa ibang tao na hindi pa niya masyado kakilala. Simula kasi nung mambabae si tatay parang nagkaroon na iyan ng galit sa mundo." sabi pa nito. A guy that has trust issues and doesn't like infidelity. Interesting. "Ganun ba? hayaan mo, tutulong ako sa mga gastusin niyo pati na din sa gawaing  bahay. May mahahanap naman siguro akong trabaho dito diba?" she tried to lighten up the mood. Hindi sumagot si Ysmael at itinuloy lang ang pagtitig sa kanya. Bigla tuloy siyang na conscious. She cleared her throat bago siya muling nagsalita. "Teka, nasaan na pala ang tatay mo?" pag-iiba niya ng usapan, doon naman tila natauhan si Ysmael. "Wala na siya matagal na. Namatay si tatay dahil sa sakit sa puso. Bata pa lang kami ni Matteo nagbabanat na kami ng buto para kumita ng pera. Sina Chito at Mikay naman, ampon sila ni Nanay. Hindi na kami nagtuloy sa kolehiyo ni Matteo para matustusan ang mga pangangailangan dito sa bahay pati yung pag-aaral nina Chito. Ayaw na din kasi namin pagtrabahuhin si Nanay. Kaya heto, kung anu-anong raket ang pinapasok namin ni Matteo para kumita ng pera." she's amaze. Hindi niya akalain na ganito ang hirap na naranasan nilang magkapatid. They are so lucky kapag napatunayan niyang ito ang ang nawawalang mga tagapagmana ng mga Herrera. "You know what, I have this feeling na may napakagandang blessing ang darating sa buhay niyo Ysmael..." "O baka dumating na..." hindi niya masyado narinig ang sinabi nito dahil halos pabulong na iyon. "Ano kamo? Hindi ko masyado narinig." he's just chuckled and messed her hair. "Wala. Sabi ko ang ganda mo bingi ka lang, tara na nga magpahinga ka na." kibit-balikat na lang siyang sumunod sa binata. ••• NAABUTAN ni Addison si Matteo na nasa likod bahay, nakahubad-baro habang nagsisibak ng panggatong. Bigla tuloy siyang natigilan habang nakatingin sa pawisan nitong katawan. She thought anim lang ang abs ng lalaki sa sikmura? Bakit walo yung kay Matteo? Atsaka bakit guwapo pa rin ito kahit nakabilad sa araw? Her heart beats faster than usual nang magtama ang mata nila ng lalaki. She cleared her throat at lumapit dito. "Ahm, Matteo? Nagluto kami ni Nanay Ising ng ginataang bilo-bilo, dinalhan na kita kasi baka gusto mong mag-miryenda." inilapag niya ang mangkok na may lamang ginataan sa lamesa na nandoon sa ilalim ng puno ng mangga. Binitawan ni Matteo ang hawak na palakol bago lumapit sa kinaroroonan niya. Nakamasid lang siya sa kilos nito. There was something on her head urging her to wipe his sweat but she choose to not entertain it. "Hanggang kailan ka ba dito? Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" untag nito sa kanya. Sinisimulan na nitong kainin ang dala niyang meryenda. "I know na nakakahiya but ako ang nakiusap kay Nanay Ising mo na temporary na mag-stay ako dito, kahit ilang linggo lang. H-hindi pa kasi ako pwedeng bumalik ng Manila. Masyado pang komplikado." hindi niya alam kung siya lang ba o parang nakatingin ito sa labi niya habang nagsasalita siya? "Bumalik ka na sa loob. Hindi pa gaanong magaling iyang sugat mo. Magpahinga ka na." pagkatapos nito ubusin ang kinakain ay tumalikod na ito sa kanya saka bumalik sa ginagawang pagsisibak. Para namang may mainit na bagay na humaplos sa puso niya sa sinabi nito. She smiled secretly. Wait..is this kilig? ••• "AYOS LANG ba talaga sayo hija na samahan mo akong magtinda nitong mga kakanin? Hindi ba nakakahiya sayo?" napangiti si Addison sa sinabi sa kanya ni Nanay Ising. Nagpilit kasi siyang sumama sa bayan para tulungan itong magtinda ng iba't-ibang uri ng kakanin. Magaling na naman ang mga sugat niya at isa pa,  mag-isa lang naman siya sa bahay at wala pang ginagawa. "'Nay Ising naman, ako nga ho ang nahihiya sa inyo. Ayaw ko namang maging pabigat sa inyo. Hayaan niyo na lang akong tumulong." "Ay siya, bahala ka ngang bata ka. Matanong ko lang ha, ano ba talagang nangyari sayo at napadpad ka dito sa amin?" it looks like she doesn't have any choice to admit what really happened to her, dadaanin na lang niya si Nanay Ising sa pakiusapan. "Ang totoo ho kasi niyan, may gusto pong magtangka sa buhay ko. Hindi ko naman alam kung sino kaya hindi po agad ako makabalik ng Maynila pero huwag ho kayong mag-alala, sisiguraduhin kong hindi kayo madadamay." sinadya niyang hindi sabihin na may hinahanap siya. Mahirap na at baka maalarma ito. "Naku, mas mabuti ngang doon ka muna sa amin hanggang hindi mo pa alam kung sino yung mga gustong pumatay sayo." "Salamat po 'nay." nakahinga naman siya ng maluwag sa sagot nito. Nginitian lamang siya ng matanda bago nito inayos ang pagkakasalansan ng mga kakanin sa bilao. Tinulungan na niya din niya ito.  Excited siyang tulungan ito sa pagtitinda. Marami din kasing bumibili sa kanila kaya hindi sila magkanda-ugaga. "Swerte ka ata sa negosyo Addison, paubos na itong mga paninda natin." sabi sa kanya ni Nanay Ising. "Manang, baka naman pwede niyo kaming ipakilala diyan sa magandang binibini na kasama niyo." sabat ng isa sa mga lalaking costumer nila. She gave them a friendly smile. Mukha naman kasi itong mga mababait. "Ikaw talaga Carlo. Huwag mong idamay si Addison sa mga babaing pinaiyak mo ha?" natatawang saway dito ni Nanay Ising. "Manang Ising naman huwag mo akong siraan sa magandang binibini, ay, ako nga pala si Carlo ito naman yung mga kaibigan ko sina Mario at Kiko, Addison pala pangalan mo. Ang ganda, kasingganda mo." naghiyawan ang dalawa pa nitong kasamang lalaki na tila kinikilig. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito nang ilahad nito ang kamay sa kanya. "Nay." hindi niya alam kung bakit tila napaso siyang bigla at hinila agad ang kamay niya mula kay Carlo nang makita ang walang mga emosyong mukha nina Matteo at Ysmael habang nakatingin sa kanila. Those cold stares gave chills on her spine. "Umuwi na ho tayo." saad ni Ysmael. Agad namang iniligpit ni Matteo ang mga natirang kakanin. "Ha? Pero maaga pa." nagtatakang tanong ni Nanay Ising. Maging siya ay naguluhan sa ikinikilos ng magkapatid. May problema kaya ang mga ito? "Oo nga naman Ysmael. Maaga pa naman, atsaka hindi pa ubos itong mga kakanin, sayang yung kikitain kung sakali---" "Uuwi na tayo." pagputol ni Matteo sa kung anumang sasabihin niya. Hindi na lang sila umimik ni Nanay Ising at sumunod sa dalawang binata. Pinagitnaan din sila ng dalawa habang naglalakad papunta sa bangka. Walang umiimik kahit isa. Buti na lang at nasa bangka na din sina Chito at Mikay, medyo nabawasan yung tensions at pressure na nararamdaman niya. Strange, right? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD