Chapter 2

1172 Words
HATING-GABI na ng makarating si Addison sa Palawan. Bumili na din siya speed boat para mas mabilis siyang makarating sa ilang parte ng isla Manamoc, doon niya balak magsimulang maghanap. She doesn't want to waste more time kaya naman kahit alanganing oras na ay nagpilit padin siya bumiyahe. Hindi naman problema dahil may nagturo na sa kanya kung saan matatagpuan ang isla na pakay niya. At isa pa, marunong naman siya gumamit ng compass at magbasa ng coordinates. Hanggang sa mga sandaling iyon clueless pa rin siya. Namo-morblema siya kung saan ba hahanapin ang mga apo ng Mamita niya. But she need to do her best, para sa ikakasiya ng matanda. Nasa kalagitnaan na siya ng biyahe ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. She gritted her teeth when she saw armed men behind her, nakasakay ang mga ito sa jet-ski at halatang kanina pa siya inaabangan. Gamit ang isang kamay, hinugot niya ang dalang baril na nasa bewang niya at pinaputukan niya rin ang mga ito. "Geez!" napangiwi siya nang maramdaman niyang may tama na siya ng baril sa kanang balikat at daplis naman sa tagiliran niya. Bago makalapit ang ang mga ito sa kanya ay nakita niyang may hinagis na bagay ang isa sa mga lalaki na dumapo sa sahig ng speed boat niya. Bomba! She doesn't have any choice. Bago magdilim ang paningin niya ay tumalon na siya tubig. She tried to swim pero sobrang nanghihina na siya dahil na rin siguro sa mga sugat niya. Hanggang sa unti-unti nang lamunin ng kadiliman ang ulirat niya. ••• "KAKAUNTI na naman ang huli nating isda Ysmael." inis na itinapon uli ni Matteo ang lambat sa dagat. "Kumalma ka nga Matteo. Konting tiyaga lang, madami na rin iyan maya-maya." pagpapakalma ni Ysmael sa kapatid. Sinimulan niyang isalin ang mga nahuli nilang isda sa timba na dala nila. "Malapit na ang pasukan Ysmael. Kailangan na natin ng mas maraming pera para sa mga kakailanganin nina Chito." tinutukoy ni Matteo ang mga nakababatang kapatid nila. Nakatira sila sa isla ng Mabato. Mahirap lamang ang buhay nila doon. Hindi pa sila parehong nakapagtapos ng pag-aaral ni Matteo. High school graduate lamang sila dahil mas pinili nilang tumulong na lamang sa kanilang inang sa mga gastusin sa bahay. "Malapit ng lumiwanag, ang mabuti pa umuwi na tayo. Sa-sideline pa ko sa kasal ni Mang Kanor bilang kusinero." sabi ni Matteo sa kapatid. Tinulungan na din niya itong mag-ahon ng lambat ng mapansin nilang mabigat iyon. "Mukhang jackpot---'tangna!" nagulat si Ysmael ng makita nila ang laman ng lambat. Isang babae! Duguan ang damit nito at mukhang may sugat sa katawan nito ang babae. Pinagtulungan nilang iahon ang babae mula sa tubig. Tumambad sa paningin nila ang napakaganda nitong mukha. Maputi at makinis ang babae, balingkinitan ang katawan. Mahahaba ang pilik ng mga mata nito, matangos ang ilong at kahit namumutla ay parang kay sarap halikan ng mga labi nito. Napailing si Ysmael, pilit iwinaksi sa utak ang naisip. Agad niyang inilagay ang isang daliri sa ilalim ng ilong nito. "Matteo! Humihinga pa siya!" Inihiga ni Ysmael ang babae sa bangka. Paulit ulit namang pinump ni Matteo ang dibdib ng babae bago nito binigyan ng CPR. Ilang sandali pa ay bumuga ng tubig ang babae mula sa bibig nito, sandali itong nagising pero nawalan din agad ng malay. "Tara na! Bumalik na tayo sa isla!" sigaw ni Matteo sa kapatid. ••• UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Addison. Bigla siyang napabangon ng maalala ang nangyari sa kanya. Napangiwi naman siya ng maramdaman ang hapdi sa balikat at tagiliran niya. May benda na ang mga sugat niya. Iba na din ang suot niyang damit. Nakasuot lamang siya ng oversized shirt na umabot sa ibabaw ng tuhod niya ang haba. She felt relieved nang makitang may suot siyang underwear. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Napansin niyang hindi siya familiar sa lugar na kinaroroonan niya. Pawang gawa sa pawid at kahoy ang itsura ng bahay. Natigilan siya ng makita ang isang batang lalaki na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kaniya sa pintuan ng kwarto kung nasaan siya. "Inang! Mga kuya! gising na yung diwata!" sigaw nito. Humahangos namang pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya ang isang batang babae at babaeng may katandaan na. "Hija! Naku, dapat hindi ka muna bumangon. Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" sabi nung matandang babae. Mukha namang mabait ito at harmless so nginitian niya ito. "Okay na po ako. Medyo makirot na lang yung mga sugat ko." mas lalo siyang napangiti ng makita ang dalawang bata na matamang nakatitig sa kanya. "Eh, ano bang nangyari sayo hija?" "H-ho? Ahm, h-hindi ko pa po masyado matandaan iyong mga nangyari sa akin." pagsisinungaling niya. "Nasaan po ba ako?" "Nandito ka sa isla Mabato hija, malapit lang ito sa isla ng Manamoc. Teka, natatandaan mo ba kung anong pangalan mo?" para namang nabuhayan ng loob si Addison ng malaman niya kung nasaan siya. "Addison Francisco po Aling---" "Nanay Ising na lang hija. Ito nga pala yung mga anak ko, si Chito at Mikay. May dalawa pa akong anak, sila yung nakakita sayo sa dagat." "Ate Addison, ang ganda mo po! Diwata ka po ba o sirena?" tanong ng batang si Mikay. She gave her a smile saka siya umiling. Napadako naman ang tingin niya sa pintuan ng pumasok doon ang dalawang matatangkad at guwapong lalaki. Oh gosh! They are looked like Greek Gods! Mas guwapo pa ang mga ito sa mga GQ or Calvin Klein models! Halos magkasingtangkad lang ang dalawa, tantiya niya mga six-footer ang mga ito. They also both had a sun-kissed skin that makes them more attractive. Malalaki rin ang mga katawan ng mga ito, matitikas na halatang batak sa pagta-trabaho. "Gising na pala siya." sabi nung isang lalaki na seryoso ang mukha at mukhang masungit. Matiim din ito kung tumitig. "Hi miss! Kumusta ka?" nakangiti namang saad nung isa sa kanya. Para namang may nagliparang mga paru-paro sa tiyan niya ng masalubong ang tingin ng mga ito. Naramdaman niyang namula ang mukha niya. She's blusing for a very first time! Ngayon lang siya na-attract sa lalaki! Calm down Addison! May misyon ka pa! lihim na saway niya sa sarili. "Eto nga pala yung dalawa ko pang anak Addison, Sina Ysmael at Matteo." napapitlag siya ng marinig ang pangalan ng dalawang lalaki. Tinitigan niya ang mga mukha ng mga ito, at kung hindi siya nagkakamali, kamukha ng mga ito ang mga pictures ng mga nawawalang apo ng Mamita niya. Lihim siyang napangiti. "N-nice too meet both of you.." ani niya. Inilahad niya ang kamay para makipag shakehands pero si Ysmael lang ang tumaggap ng kamay niya. Tumango lang si Matteo sa kanya bago lumabas ng kwarto. Mukhang mapapadali ang misyon niya but she need to make sure. Ayaw naman niyang mag-take risk. Lalo na ngayon, wala siyang ibang gamit. "Halika at kumain na muna tayo. Siguradong gutom ka na hija." aya sa kanya ni Nanay Ising. Bumaling siya sa matanda, at saka siya ngumiti dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD