KAKAIBANG UNGOL
ALEXIA POV.
GINISING ako ng kakaibang ingay at kahit antok na antok ay kinailangan kong tumayo mula sa higaan. Ang ingay ay nanggagaling sa kwartong okupado ng aking ama.
Magmula ang maratay sa higaan ang aking ina. Lumipat ng ibang kwarto si Papa, ang katwiran ay hindi daw siya masyadong nakakatulog. At nauunawaan ko naman dahil hindi pwedeng napupuyat sa gabi sapagkat maagang pumapasok sa trabaho.
Ang aking ama ay isang provincial company bus driver, biyaheng maynila. At alas-quatro pa lang ng umaga ay umaalis na ito ng bahay. Ala-sais naman ng hapon ang uwi niya mula sa trabaho.
At ngayon gabi bakit may ingay na nagmumula sa kwartong okupado nito? Sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko ay almost eleven na nang gabi. Kaya sino ang naroroon o tamang sabihin na sinong kasama ni Papa?
Nang makalapit ako sa pinto akmang kakatukin ko ang pintuan ng makita kong nakaawang iyon. Sumilip ako sa siwang ngunit madilim ang loob kaya tinulak ko upang lakihan ang bukas ng pintuan. Ang ingay na aking naririnig ay kakaiba. Parang umiiyak at nahihirapan ang boses ng babae at lalaki.
Ang switch ng ilaw ay naroon lamang sa gilid ng pinto. Kaya agad ko iyon kinapa pagkatapos ay pinindot. Nagliwanag ang buong paligid at pareho pa kaming nagkagulatan ni Papa.
Ang mga mata ko ay lumipat sa babaeng walang saplot sa katawan. Naroon pa rin ito sa ibabaw ng aking ama.
“Tangna!” kasabay ng pagmumura ni Papa ay malakas naitulak ang babae at nahulog ito sa ibaba ng kama.
Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa pagkabigla. Ngunit nang makita ko ang p*********i ni Papa, nababalot pa iyon ng maputing likido. Saka pa lang ako nakakilos at agad na tumalikod.
“Kumare, umuwi ka na muna.” Wika ni Papa, sa babae. Hindi ko ito kilala at ngayon lang din nakita. Pero bata pa at maganda, sa tingin ko halos kaedad ko lang din ito.
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin pero nanatili ako sa aking kinatatahuan. At agad nakaramdam ng matinding galit. Niloloko nila ang aking mama, siguro dahil bedridden at wala ng silbi.
Nang dumaan sa aking gilid ang babae ay naamoy ko pa sa katawan nito ang pabangong gamit ni Papa.
“I’m sorry, Alexia…”
“Bakit po niloloko mo si Mama, dahil hindi na niya kayang ibigay ang mga bagay na makapagpapaligaya sayo?” may halong panunumbat kong tanong sa aking ama.
“Hindi yon ganun, sweetie, nagkataon lang natukso ako… ahm… hindi na yon mauulit. Kaya ang pakiusap ko huwag mong sasabihin sa iyong mama ang mga nakita mo. Baka mas lalo pang lumala ang kalagayan niya kapag may nalaman siya.”
“Sino ang babaeng yon, at bakit dito mo pa dinala sa bahay? Pwede naman sa mga hotel o kaya sa bahay ng babaeng yon. Pero bakit dito pa kayo gumawa ng kalaswaan? Hindi nyo man lang iginalang si Mama, samantalang katabi lang din nitong silid ang kwartong kinaroroonan niya.”
“A-Anak, pakiusap…”
“Iniisip mo ba na hindi na magtatagal ang buhay ni Mama, kaya ngayon pa lang ipinagpalit mo na agad siya sa iba?” putol ko sa iba pa niyang nais sabihin habang naiiyak na ako sa pinipigilang galit.
“I’m sorry…”
“Sorry? Madali lang sabihin yon, pero yung naidulot na sakit sa kataksilan mo? Sa akala mo ba hindi naririnig ni Mama, ang ingay ng panloloko mo sa kaniya?”
“A-Anak…”
“Tama na! At huwag mo akong matawag-tawag na anak namumuhi ako sayo!” Saka ako nag simulang humakbang subalit bigla niya akong niyakap. At dahil hindi ko inaasahan ang ginawang yon ni Papa, nanigas ang aking katawan. At saka ko lang din napagtanto na nakahubad pa rin ang aking ama. Dahil dama ko ang matigas pa rin niyang p*********i sa aking balakang.
Mukhang natauhan din ito sa ginawa at agad na binitawan ang aking katawan. Kaya nagmamadali na akong lumabas at halos takbuhin ko ang pintuan ng aking silid.
Nang marating ko iyon ay agad akong pumasok sa loob. Napasandal ako sa likod ng pintuan dahil kakaiba ang t***k nang puso ko. Iba na rin ang aking pakiramdam. Ang init na hatid ng pagkakadikit ng aming katawan ay kakaiba at ngayon ko lang iyon naranasan. .
Dahil sa nangyari nawala na ang aking antok at nanatiling dilat ang mga mata. Kaya pagdating ng umaga namumutla at nangangalumata ako. Kaya naman kahit ayaw ko pang lumabas ng kwarto ay hindi pwede. May pasok ako sa school at may quiz kami kaya dapat na akong kumilos.
Second year college ako sa kursong tourism dahil pangarap kong maging international flight attendant. Nag-iisa akong anak kaya kahit medyo magastos ang kursong napili ko napag aaral pa rin nila ako.
Matapos kong makapaligo ay lumabas na ako ng banyo. Tanging tuwalya ang tapis ko sa katawan habang tumutulo pa rin ang aking buhok.
“Anak, kumain ka muna bago ka pumasok sa school. Halika paborito mo ang mga niluto ko.” Mahinahon ang boses ng aking ama. Kung noon kapag ganito ang tema ng pananalita niya agad akong napapangiti. Yayakap sa kaniya at maglalambing na rin. Saka mauupo sa hapagkainan at sisimulan kainin ang mga niluto niyang pagkain. Pero ngayon, kulang na lang sigawan ko siya at sabihin dito na ayaw ko ng makita o marinig ang boses niya. Kaya bago pa niya makita ang panunubig ng aking mga mata ay humakbang na akong palayo.
“Alexia, pakiusap mag-usap tayo at pakinggan mo sana ang paliwanag ko.”
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. Bakit naririto pa ang ama sa ganitong oras?
“Halika maupo ka na at baka lumamig pa itong mga pagkain.” Wika pa nito.
“Anong ginagawa mo dito wala ka bang pasok sa trabaho at…?” napahinto ako sa pagsasalita ng na realize ko ang tono ng aking pananalita. Kaya sa halip na ipagpatuloy ang mga sasabihin ko ay nagsimula na ako sa mabilis na paghakbang.
“Alexia, sandali…” narinig ko pa ang palapit niyang boses. Kaya ng makapasok ako sa loob ng aking kwarto agad kong sinara ang pinto.
“Akala yata madadala ako sa mga pagkain na niluto niya, huh!” Ani ko kahit hindi naman niya ako naririnig.
“Galit ako sa ginawa niyang pagdadala ng babae dito sa bahay!” wika ko pa sa aking sarili.
Matapos kong makapagbihis ng uniform ay dinampot ko ang aking backpack at sinukbit sa likuran ko. Saka yumuko at sinuot ang sapatos, bago tuluyan lumabas ng kwarto ko.
“Anak, heto ang allowance mo, dinagdagan ko yan dahil dalawang araw akong wala.”
Napilitan akong humarap sa kaniya at hinablot ang pera mula sa kamay niya. Saka nagpatuloy sa paghakbang. Tuluyan ng nawala ang paggalang ko sa aking ama..
Pagkalabas ko sa gate ng bahay ay saktong may dumaan na tricycle kaya agad ko yon pinara. Subalit bago pa ako nakasakay sa loob may 4-wheel na huminto sa unahan ng tricycle. Isang babae ang bumaba at agad ko itong namukhaan. Walang iba kundi ang babaeng kalaguyo ng aking ama. Akmang lalapitan ko ito ng may bumaba na isang lalaki, matangkad at gwapo. Ang katawan ay halatang alaga sa gym. Yumuko ito at hinalikan ang babae sa labi.
“Lagi kang mag-ingat tatawag ako pag hindi ako busy.”
“Kahit hindi na naririto lang naman ako sa bahay natin.”
“Huwag ka ng magtampo, alam mo naman ganito ang trabaho ko.”
“Ewan ko sayo, bye!” Sabay tulak nito sa lalaki at naglakad ng papasok sa loob ng gate nang malaking bahay.
Sa halip na sumakay ako sa tricycle ay tinalikuran ito at tumakbo ako sa kabilang gilid ng 4-wheel. Hinila ko ang pintuan pabukas at agad na sumakay sa unahang upuan. Nakita ko ang pagkagulat ng lalaki at akmang magsasalita ito ng unahan ko agad.
“Drive! Kung nais mong malaman ang ginagawa ng asawa mo kapag wala ka.” galit kong ani.
“Sino ka at pwede bang bumaba ka dahil malayo pa ang biyahe ko!” Matigas na utos nito.
“Hindi ako bababa hanggang hindi ko nasasabi ang gusto kong iparating sayo! Kaya mag magmaneho ka lang at isasalaysay ko…”
“Hindi ako interesado kung anuman ang sasabihin mo kaya bumaba ka na…”
“Balewala sayo kung nanlalaki ang asawa mo?”
“What did you say?”
“Sabi ko may lalaki ang asawa mo!” pasigaw kong sagot sa lalaking hindi ko alam kung nagpapanggap na hindi naiintindihan ang sinasabi ko.
“Huwag kang gumawa ng kwento, dahil pwede kitang kasuhan. Kaya ang mabuti pa ay bumaba ka at aalis na ako, baba!” Matigas na utos ng lalaki sa akin.
“Ang papa ko ang lalaki ng asawa mo! Kagabi lang nahuli ko sila sa loob ng kwarto parehong hubad at… ahm… n-nag aano sila.” Hindi ko magawang sabihin ang ginagawa ng asawa nito at ng aking ama. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya agad kong hinawakan ang pintuan ng sasakyan at akmang bubuksan iyon. Ngunit biglang nag-lock kaya napalingon ako sa lalaki. At halos manlaki ang aking mga mata ng akdawin niya ang gilid ko. Lalo pa at langhap ko ang kakaibang amoy nito, lalaking lalaki ang amoy niya. Saka ko lang naunawaan kung bakit niya iyon ginawa lalagyan lang pala ako ng seat belt. Pero teka bakit niya ako sinuotan ng sinturon saan kami pupunta ng lalaking ito?
“Sandali saan mo ako dadalhin?” Malakas na ang kaba ng aking dibdib lalo at napansin kong tiim bagang ito at salubong na rin ang makapal nitong kilay.
“Mister, tinatanong kita saan mo ako dadalhin?”
“Ikaw ang sumakay dito sa aking sasakyan nakalimutan mo? Sabi mo pa mag drive ako tapos ngayon magtatanong ka?” Singhal niya sa akin.
Natamimi naman ako dahil totoo ang sinabi ng lalaki pero nasabi ko na ang nais ko sabihin sa kaniya. Isa pa may pasok ako sa school at saka ko lang din nakita ang oras sa monitor ng sasakyan na nasa harapan ko.
“Stop!” Malakas kong sigaw at agad naman silang huminto na naging sanhi ng muntik kong pagkauntog sa dash board.
Inalis ko agad ang seat belt at naghanda sa pagbaba ngunit nanatiling naka lock ang pintuan.
“Mister, paki-unlock at late na ako sa classes ko…”
“Ihahatid na kita sa eskwelahan mo kaya mag-seat belt ka!” At biglang humarurot ang sasakyan. Kaya ang tangi kong nagawa ay ikabit ang seat belt. Sa bilis ng takbo namin isang pagkakamali lang disgrasya ang kahahatungan naming dalawa.
“Pwede bang bagalan mo naman at baka kung saan tayo pulutin?” Sabi ko sa mahinahon na boses. Mahirap magtaray baka lalong bilisan niya ang pagmamaneho.
“Sabi mo late kana?”
“Oo, pero huwag naman ganito kabilis gusto ko pang mabuhay ng matagal. May sakit ang aking mama at aalagaan ko pa siya. Saka tutuparin ko pa ang pangarap kong maging international flight attendant. Hindi pa rin ako nagkaka boyfriend at virgin pa ako…” natampal ko ang aking bibig sa katabilan.
“Is that so?”
“Bakit parang hindi ka yata naniniwala sa sinasabi ko? Sabagay mukhang wala ka naman pinaniniwalaan patunay na kahit nanlalaki na ang asawa ay hindi pa rin naniniwala, huh!”
“Anong pangalan mo?”
“Mariah Alexia Montero.”
“Gaano na katagal ang relasyon ng asawa ko at iyong ama?”
“Kagabi ko lang nalaman, nagising ako sa ingay kaya pinuntahan ko ang silid na okupado ni Papa. Nakita ko sila sa ibabaw ng kama p-parehong hubad.”
Nilingon ko ang lalaki dahil hindi na ito sumagot. At huminto na rin ang sasakyan sa harapan ng campus. Naka unlock na ang pintuan ng sasakyan kaya binuksan ko agad iyon.
“Take this.” sabay abot niya ng business card at napipilitan akong kunin iyon. “Call me, once na makita mo uli ang kataksilan ng asawa ko. At paki kuhanan na rin ng video upang may pruweba…”
“Bakit ko naman yon gagawin?”
“Mahalaga ang ebidensya lalo at niloloko din ng iyong ama ang may sakit mong ina.”
“Fine!” Aniko bago tuluyang bumaba. Nasundan ko na lang ng tingin ang palayong sasakyan ng lalaki.
Ipinasok niya muna ang business card sa bulsa bago tuluyang pumasok sa loob ng campus.