HULI SA AKTO

2014 Words
ALEXIA POV. SA dalawang araw na wala si Papa, nanatili ako sa tabi ni Mama. Weekend kaya wala akong pasok sa school at iyon lang ang pagkakataon na maasikaso ko ang aking ina. Kanina, nang nagising siya ay masayang masaya ako. Lalo pa ngayon na maganda ang kulay ng balat niya. Walang palatandaan na malala ang sakit niyang leukemia. Nakangiti din siya sa akin at panay pisil sa mga kamay ko. “Ma, i miss you.” bago ako yumuko at hinalikan ang mga kamay niya. At parang nais ko na lang manatili sa pagkakayuko. Sapagkat natatakot ako na mabasa ni Mama ang laman ng aking isipan. Alam ko sobra itong masasaktan pag nalaman ang kataksilan na ginagawa ni Papa “M-Mariah, gusto kong tulungan mo akong sumakay sa wheelchair.” “Opo mama, pero saan ka pala pupunta? Baka nakalimutan mo ang sabi ng iyong doktor. Bawal kang mapagod kaya hindi po tayo maaaring lumayo.” “Anak, diyan lang naman ako sa maliit nating garden. Kahit saglit lang nais kong magpahangin at masikatan ng araw.” “Sige po mama, ako na ang magtulak ng wheelchair mo.” ngumiti pa ako sa aking ina. Gusto kong makita ni Mama, walang nagbago at masaya pa rin ang pamilya namin. “Salamat anak, kumusta pala ang papa mo parang ilang araw ko ng hindi naririnig ang boses niya?” “Nasa malayong probinsya po siya ngayon, may nag-hire daw sa bus na minamaniho niya. Kaya dalawang araw po siyang hindi makakabalik sa ating dalawa.” wika na lang niya sa kaniyang mama. Sapagkat hindi niya rin alam kong nagsasabi ng totoo ang ama. “Ah, ganun ba ikaw naman anak. Kumusta ang pag-aaral mo hindi ka ba nahihirapan?” “Mama, sa akin wala ka pong dapat alalahanin. Nag-aaral po akong mabuti at tutuparin ko ang aking pangarap. Hinding hindi po kita bibiguin kaya magpagaling ka dahil sasabitan mo pa ako ng medalya.” Aniko kahit nais ko ng umiyak. Nararamdaman ko may kakaiba kay Mama o baka naman may alam na ito sa ginagawa ni Papa? “Kwentuhan mo ako anak tungkol sa mga lalaking nais manligaw sayo? May nagustuhan ka na ba? Gwapo ba at mabait kagaya ng papa mo?” “Gwapo naman po sila kaya lang wala pa naman akong plano na magkaroon ng boyfriend. Nais kong mag-focus muna sa aking pag-aaral.” “Hindi naman siguro siya nakakasagabal sa pag-aaral mo anak? Kaya ayos lang sa akin na magkaroon ka ng boyfriend. Isa pa gusto ko siyang makilala. Kung mabait, mapagmahal at aalagaan ka niya.” “Mama, bata pa naman po ako…” “Dalhin mo dito kung sino sa kanila ang lalaking iyong nagustuhan. Nais ko siyang makilala at makausap na rin” “Ma, bakit parang sa iyong mga pananalita gusto mo na yata akong magkaroon ng nobyo?” “Dahil walang nakakaalam kung hanggang kailan pa ang itagagal ko. Alam natin pareho at pati ng papa mo malala na ang sakit ko. Sino ang makakapagsabi kung bukas o sa makalawa ay iiwan ko na kayo? At gusto kong mag sigurado na iiwan kita sa tamang lalaki. Yung hindi ka niya sasaktan, hindi paiiyakin at hindi lukukuhin.” “Bakit ganyan po ang pananalita mo, mama? Parang nagpapaalam ka na sa akin?” at tuluyan ng bumagsak ang aking luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon masyado pang bata ang aking ina. Ang dami pa sana niyang pangarap para aming tatlo pero bigla na lang siyang na diagnosed acute leukemia. “Ma, huwag ka naman pong magsalita ng ganyan, hindi po ako handa na iwanan mong mag-isa.” Mabilis kong tinakpan ang aking bibig gamit ang palad ko upang pigilan ang impit kong iyak. “Don’t cry, baka biglang dumating ang papa mo at makita ka sa ganyang ayos. Ano na lang ang iisipin non na may pinagtatalunan tayo.” “Kung ayaw mo pala akong naiyak ay siguraduhin mong gagaling ka sa iyong sakit at makakasama pa kita ng matagal.” “Kahit gusto ko anak, pero kagaya ng sinasabi ng mga doktor. Walang kasiguraduhan kung gaano pa katagal akong mabubuhay. Kaya nais kong samantalahin ang mga nalalabing araw ko. Isama mo dito sa bahay ang iyong future husband at ipakilala sa akin.” “O-Opo mama,” napipilitan kong sagot sa kaniya. Pagkatapos ay yumakap na sa aking ina. Ang sakit ng dibdib ko sa mga nangyayari tapos si Papa, sumabay pa sa problema. Ngayon saan ako kukuha ng lalaking magpapanggap na manliligaw ko. Sapagkat ang totoo wala naman talagang nanliligaw sa akin. Dahil lalapitan pa lang nila ako binabasted ko na agad sila. NANG sumunod na araw, madilim pa lang ang paligid ay gising na ako. Sinadya ko talaga ang oras na yon upang maghanda nang pagpasok ko sa school. Dahil meron kaming exam, kaya inagapan ko. At ngayon ay naririto ako sa bus stop. Mas mabuti ng maaga upang makapag review pa ako pagdating sa loob ng campus. Ngunit hindi pa man lang nag-iinit ang pagkakaupo ko sa bench. Napansin kong may sasakyan huminto sa tapat ko at hindi iyon bus. Kaya nagtataka ako bakit doon ito magparking samantalang malapit ng dumating ang bus. At mas ikinagulat ko nang bumaba ang isang lalaki. Walang iba kundi ang asawa ng babaeng kalaguyo ni Papa. “Halika na at ihahatid na kita meron din tayong mahalagang pag-uusapan.” Wika ni Mr. Del Fierro. Sa halip na tumanggi ay hindi ko hinawa at walang imik na sumakay ako sa kaniyang sasakyan. Hindi ko na rin hinintay lagyan niya ako ng seatbelt ako na ang nagkusa. “Alam mo ba kung nasaan silang dalawa ngayon?” “Sino ba?” Hindi ko siya masyadong ma-gets, ano ang ibig niyang sabihin.” “Huwag mong sabihin na wala kang alam sa mga nangyayari? O baka naman nagkukunwari ka lang upang hindi kita isama.” ani pa ng lalaki kaya humarap na ako ng tuluyan sa kaniya. “Mr. Del Fierro, ano ba ang nais mong sabihin. Prangkahin mo ako ng maunawaan kita.” bago umiling iling sa kaharap at muling tumuwid ng tingin sa unahan. “Nasa isang resort silang dalawa at nagpakasarap. Feeling walang asawa at malaya.” ani pa ni Mr. Del Fierro. At saka ko tuluyan naunawaan ang ibig sabihin nito. Pero imposible naman yata dahil naroon sa malayong probinsya si Papa. Katulad ng paalam ng ama sa kaniya. May nag hired sa bus na minamaniho nito. “Kung totoo ang iyong sinasabi. Bakit mo pa sinabi sa akin? Saka ikaw ang asawa ng babaeng yon. Kaya dapat nagtungo ka na agad doon. At sinorpresa sila upang makita mo ang reaksyon nila, huh!” Nakakaramdam na siya ng inis sa lalaking ito. Sayang lang ang kagwapuhan at ganda ng katawan. Kung walang kakayahan lumaban sa katulad ng ama niya. Nang matanaw ko na ang gate ng eskwelahan nila. Agad akong naghanda sa pagbaba. Subalit hindi huminto ang sasakyan. Dumeretso lang at maya maya ay mas bumilis pa ang takbo. “Mr. Del Fierro, lumampas na tayo sa campus.” “Huwag ka na muna pumasok ngayon…” “Hindi pwede dahil meron akong exam…” “Kakausapin ko ang professor mo, sasabihin kong bigyan ka na lang ng special exam.” “Hindi yon papayag at sigurado hindi rin ako makaka-graduate dahil sa ginagawa mo!” galit na talaga ako sa kaniya. “I’m sorry pero kailangan kita ngayon. Hayaan mo at pag nangailangan ka rin ay tutulungan din kita. Kaya pagbigyan mo muna ako, please?” ani Mr. Del Fierro, sa nakikiusap na boses. “Please, Ms. Montero?” “Fine! Ano ba ang tulong na kailangan mo sa akin. Sige sabihin mo na agad, ano?” “Ihahatid kita as cottage nila. Pero hindi ako magpakita sa kanila. Ang nais ko ay mailagay mo lang ito pagkatapos ay aalis na rin agad tayo.” “Ano ito bakit stop toys?” “Meron secret camera sa loob nito. Kaya ilagay mo na lang sa ibabaw ng tokador. Basta dapat malinaw na makikita ang mga ginagawa nila. Lalo na sa kwarto ilagay mo ang isa sa tatlong camera. Kailangan din sakop sa camera ang buong kama.” Hindi ako sumasagot at pinag-aaralan ko ang sinasabi ni Mr. Del Fierro. Nang biglang may kumislap na ideya sa aking isipan. “Okay, tutulungan kita, pero pagkatapos ay ako naman ang tutulungan mo, deal?” “What is it?” “Pagkatapos ng favor mo saka ko sasabihin sayo. Kaya kung payag ka ay handa akong tulungan ka. At huwag kang mag-alala wala naman ibang makakaalam ng tungkol doon. Maliban sa aking ina, dahil siya ang may sasabihin sayo.” “Ang mama mo?” “Yeah, kaya bilisan mong sumagot upang makahabol pa ako sa exam ko kundi ka rin naman papayag. Ayaw kong magsayang ng panahon sa mga walang kwentang bagay.” “Walang kwentang bagay ang tingin mo sa ginagawa ng asawa ko at iyong ama?” “Kaya nga sumagot ka kung payag ka sa deal o hindi…” “Okay, deal!” “Deal! Basta walang bawian?” ninigurado kong tanong kay Mr. Del Fierro. “Walang bawian, basta tutupad ka rin sa favor ko.” “Yeah, gagawin ko ang nais mo.” bago ko nilahad ang aking palad kay Mr. Del Fierro. Agad namang inabot niya at mahigpit na hinawakan. Akmang hihilahin ko ang aking palad. Sapagkat parang wala ng planong bitawan. Kakaiba din ang init na hatid ng kamay niya sa kamay ko. Nang bitawan niya ang aking kamay. Walang isa man ang nagsalita sa amin. Hanggang makarating kami sa resort na kinaroroonan ng aking ama at asawa ni Mr. Del Fierro. Kagaya ng plano, naririto kami sa isang cottage. Katabi mismo nang cottage ng ama at ni Mrs. Del Fierro. Maghihintay kaming lumabas ang dalawa at saka ako papasok sa loob. Makalipas ang isang oras, narinig kong nagmura si Mr. Del Fierro. Kaya sumilip din ako sa maliit na siwang ng kurtina. Sa mismong sinisilipan ng lalaki. At malinaw kong nakikita kung gaano kaligaya ang babae. Habang panay tingala nito sa mukha ng aking ama. At naalarma ako ng biglang umalis sa tabi ko si Mr. Del Fierro. Kaya mabilis ko siyang hinabol at mahigpit na hinawakan sa braso. "Gusto mong mabulilyaso ang plano natin?" "S-Sorry, hindi ko na uuliting umakto ng ganun." Hinging paumanhin nito sa akin. "Ayos lang, ang mabuti pa ay magsimula na tayo. Mukhang mamaya pa sila babalik sa loob ng cottage nila." aniya pa sa lalaki. May pagmamadali ang kilos namin pareho. At nang mabuksan na ni Mr. Del Fierro, ang pintuan ng kabilang cottage. Pumasok agad ako sa loob, kagaya ng bilin mabilis ang bawat kilos ko na nilagay ang dalawang stop toys. Sa mismong bedroom at loob ng banyo. Pagkatapos ay agad akong lumabas at bumalik sa loob ng cottage namin. Makalipa ang isang oras, nakita ko ang ginagawa ni Mr. Del Fierro. Mariin ang pagkakatitig niya sa hawak na cellphone. Kaya lumapit ako at nakitingin din sa screen ng cellphone nito. Hindi ko natagalan ng makitang naghahalikan ang babae at aking ama. Ang ginawa ko ay lumabas ako ng cottage. Nanginginig ang aking laman sa matinding galit. At kailangan ko muna pakalmahin ang aking sarili. Maya maya pa ay nagpasya na akong pumasok sa loob ng cottage nila. Maingat ang bawat kilos ko na makagawa ng ingay o may makarinig sa aking mga yabag. Ganun pa man ang laman ng dibdib ko ay magkahalong galit at takot. Kahit paano naisip ko din ang aking ama. Baka bigla itong barilin ni Mr. Del Fierro. Nakita kong may baril ito bago kami bumaba ng sasakyan ay sinukbit pa sa baywang nito. Maingat kong itinulak ang pintuan at napatakip agad ako sa aking bibig nang makita ang ginagawa nila. Tiniis ko lahat ng aking pagkasuklam sa dalawang tao na nakikita ko. At saka binuksan ang camera ng aking cellphone. Pagkatapos lihim kong kinuhanan ng video ang ginagawa nila. Kitang kita ang mukha ng dalawa dahil bahagyang nakaharap ang dalawa sa kinaroroonan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD