HUGO POV. SUMAKIT ang aking likuran sa tagal ng pagkakayuko sa ibabaw ng mesa. Ilang oras din ang ginugol namin bago natapos ang project ni Ms. Alexia. Minsan ko pa iyong sinipat para siguraduhin wala nang kulang bago ako umayos ng upo. Sinulyapan ko siya, saka ko lang napansin na nakatulog na pala siya, nakasubsob sa kabilang dulo ng lamesa. Hindi muna ako kumilos, pinagmasdan ko lamang siya. Nagtatalo ang aking isipan kung hahayaan siya sa pwesto niya o gigisingin ko para lumipat sa higaan. Sa bandang huli nagpasya akong tumayo, pagkatapos ay lumapit sa kama, inayos ang mga unan, at saka siya pinuntahan. Yumuko ako at maingat siyang binuhat. Dinala ko siya sa higaan at dahan-dahang ibinaba. Matapos ko siyang takpan ng kumot, iniwan ko siya roon. Bago lumabas ng pinto, pinindot ko a

