ALEXIA POV. NASAAN ako… oh, my God! Paano nangyari na nakaposas ako sa isang silid at hindi pamilyar? Ang huli kong alaala, nasa bahay-bakasyunan ako ni Kuya Kenneth. Biglang dumating si Mr. Hugo Nick. Pagkatapos, inutusan niya ang mga tauhan niyang dukutin ako. May telang itinakip sa aking ilong at bibig… iyon ang huling malinaw na natatandaan ko. Unti-unting nag-alab ang galit ko sa lalaking iyon. Ano ang karapatan niyang gawin sa akin ang ganito? Dahil ba sa isang pagkakamali na hindi ko naman ginawa o sinadya? Tiningnan ko ang posas na nakakabit sa aking mga kamay, hindi ko iyon matatanggal. Akma sana akong babangon nang biglang sumiklab ang matinding sakit sa aking tiyan. Agad akong kinabahan nang maalala ang dinadala ko. A-ang anak ko… Diyos ko, iligtas Mo po ang baby ko sa ak

