ALEXIA POV. INAASAHAN ko nang ipatawag ako ng guidance office, ngunit nakapagtatakang hindi iyon nangyari. Maging sa loob ng classroom… katahimikan. Wala akong naririnig ni bulung-bulungan, samantalang noong araw na ipinahiya ako ni Ms. Cindy, halos lahat ay nag-unahan pang kumuha ng video, nang-insulto, at nagpakasawa sa sila sa pag-alipusta. Napapansin ko ring hindi makatingin sa akin ang mga kaklase kong bumato sa akin ng kuyumos na papel at nagbitiw ng masasakit na salita. Para bang bigla silang nawalan ng lakas ng loob, o baka naman… natakot? Kanino? Pagsapit ng lunch break, ganoon pa rin, hindi pangkaraniwan ang katahimikan sa loob ng canteen. Ano kaya ang nangyayari? Kahit nang pumila ako sa mga pagkain, nagbibigay pa sila ng espasyo na para bang bawal akong lapitan. At nang mag

