HUGO POV. HINDI ko sigurado kung nakikinig sina Argus Emanuel at Rufus Nathan. Kanina pa ako walang tigil sa kakasalita, ngunit tahimik lang silang dalawa… walang kahit anong reaksyon. Dahil doon, sinita ko sila, ngunit sa halip na sumagot ay tinawanan lang nila ako. “Ano ang nakakatawa sa mga sinabi ko? At bakit hindi kayo sumasagot?” inis kong tanong. “Bakit kami sasagot? Eh nagkukuwento ka lang naman, kaya nakikinig kami,” nakangiting sagot ni Argus Emanuel. “At saka, ‘di ba binalaan ka na namin noon?” singit ni Rufus Nathan. “Sabi mo wala kang nararamdaman kay Ms. Alexia. Sabi mo rin na hindi siya ang tipo ng babaeng gugustuhin mo. Kaya ano ang inaasahan mong maririnig mula sa amin, Kuya Hugo?” Napabuntong-hininga ako. Tama siya. Nasabi ko talaga ang lahat ng iyon… at oo, galit ak

