ARGUS POV. KANINA pa ako sunod nang sunod kay Aneth, ngunit tila wala talaga akong presensiya sa kanyang paningin. Hindi niya ako pinapansin—ni isang sagot, ni isang sulyap. Naniniwala siya sa mga kasinungalingan ibinato ng babaeng iyon, at hindi ko man lang inaasahan na may gagawa ng ganoong klase ng panlilinlang. Kaya bakit ganito? Bakit ayaw niyang pakinggan ang kahit anong paliwanag ko? Para na nga akong isang katawa-tawang nilalang—kanina pa ako nagsasalita, nag-eexplain, halos nagmamakaawa sa sarili kong paraan—ngunit wala. Patuloy lang siyang nakatuon sa laptop niya, abala sa trabaho, na para bang wala ako doon. Sa inis ko, isinara ko ang laptop niya. “Bakit mo sinara?” malamig niyang tanong. “Alam mong may ginagawa akong report.” “Dahil hindi mo ako pinapansin,” mariin kong

