HUGO POV. ILANG araw na ang lumipas mula nang makabalik kami ng bansa galing sa conference sa Dubai, ngunit nananatiling sariwa sa aking alaala ang lahat ng nangyari… lalo na ang mga sandaling puno ng saya sa amin ni Alexia. Dahil doon, lalo lamang akong nainip. Hindi ko na kayang maghintay pa upang tuluyang mapawalang-bisa ang kasal ko kay Cindy. “Pareng Attorney, gawin mo ang lahat ng makakaya mo… at sa pinakamabilis na paraan, para mapawalang-bisa ang kasal namin. Ayoko nang maghintay pa,” mariin kong wika. “Ilang ulit ko nang sinabi sa’yo, hindi ganoon kadali ang proseso ng annulment,” sagot niya, seryoso ang tono. “Bakit ngayon mo lang inasikaso ang tungkol sa annulment ninyo?” paninisi sa akin ni Attorney Vince. “Noon akala ko may pag-asa pang maayos ang lahat,” tugon ko. “Pero n

