ALEXIA POV. NAGUGULUHAN pa rin ako sa mga isiniwalat ng aking ina. Kaya pala noong minsang nahuli ko si Papa sa kwarto kasama ang ibang babae, may kung anong kakaibang pakiramdam na agad sumiksik sa aking dibdib. Kinilabutan ako at nakaramdam ng matinding pandidiri nang yakapin niya ako… hindi ko pala siya tunay na ama. Ayaw ko sanang umalis at iwan ang aking trabaho, lalo na’t may kasunduan kami ni Señor Del Fierro. Ngunit nang kausapin niya ako at ipaalam na wala nang bisa ang anumang papeles na aking pinirmahan, isang mabigat na pakiramdam ang bumalot sa akin. Nakaramdam ako ng hiya at awa para sa señor. Alam kong isa ako sa mga itinuturing niyang pag-asa upang mailayo si Mr. Hugo Nick sa mga babaeng mapagsamantala at manloloko. At ngayon na malaya na ako, hindi ko maramdaman ang inaa

