ALEXIA POV. KARARATING ko lang, at nasa pintuan pa lamang ako ng bahay nang umalingawngaw sa akin ang mga boses mula sa loob. Si Mama… may kausap siya. Kilala ko ang boses na iyon. Ano na naman ang ginagawa niya rito? Sa pagkakaalam ko, matagal nang hindi dito nakatira ang aking ama. Sa anim na buwang pananatili namin sa ibang bansa, ni minsan ay wala kaming balita tungkol sa kanya. Pagbalik namin, sinalubong kami ng alikabok sa buong bahay. Wala na rin halos damit si Papa sa closet; inisip kong hindi na talaga siya babalik. At ngayon, heto siya… bumabalik para lang guluhin ang isip ni Mama? Bumilis ang paglakad ko papasok, diretso sa kinaroroonan nila. “Ma, kanina ka pa yata nakaupo sa harap ng TV. Hindi po ‘yan maganda para sa kalusugan mo,” sabi ko bago siya lapitan at halikan sa pis

