ALEXIA POV. PAGKATAPOS ng mga ungol, halinghing, at saglit na sarap, tila ba walang anuman ang naganap. Nagpaalam si Mr. Hugo Nick at tahimik na umalis. Tinanguan ko lamang siya… walang salita, walang pagtutol. “Gano’n lang ba ’yon?” Narinig kong tanong ni Kuya Kennedy. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya na magdamag kaming magkasama ni Mr. Hugo Nick. Hindi ko siya magawang tingnan. Hindi ko rin sinagot ang tanong niya. Ang bumabalot sa akin ay matinding hiya. Ilang ulit niya akong tinanong kung mahal ko ang lalaking iyon, ngunit wala akong inamin. At ngayon, nadatnan niya pa kami sa isang sitwasyong hindi kailanman magiging tama. Sapagkat may asawa si Mr. Hugo Nick, at kasalanan ang ginagawa namin. “Hindi sa nakikialam ako sa buhay mo, Alexia,” mariin niyang wika, “pero ayaw

