ulang ko na umiiyak, CJ. Masakit! Masakit, eh! Hindi ko sila kayang harapin. Kahit hindi ko ginusto, nasasaktan sila!" “Talo ang pikon, eh,” panga-asar ko pa lalo. “Ah, ganoon pala, ha. Humanda ka sa ‘kin,” natatawang banta muli ni Wyn at kaagad na inalis ang braso n’ya sa balikat ko at bigla akong pinagkikiliti. Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas habang inaawat si Wyn sa ginagawa n’ya sa ‘kin. “Hoy! Ano ba? Ay! Hoy! Tama na! Ay! Wyn naman, eh. Joke lang naman ‘yon. Ay! Ano ba 'yan?” paninita ko sa kan’ya. Malakas pa naman ang kiliti ko sa baywang. “Tsk, tsk. Wag maglandian sa hallway, ah. Mahiya kayo sa may klase,” naiiling na sabat ni Jas. Napatigil si Wyn sa pangingiliti ngunit patuloy pa rin kami sa pagtawa. “Whatever, Jas. Baka naiinggit ka lang at sweet kami,” sabi ni Wi

