Dahil sa stress na naramdaman ko dulot ni Jas, napagdesisyunan kong magluto ng lasagna. Tutal, nagki-crave rin talaga ako roon ngayon. Lumabas kasi si Manang at sabi n’ya pupuntahan n’ya muna saglit ‘yong mga apo n’ya. Isasabay na rin daw n’ya ang pag-grocery ng ilang items. Mag-isa lang ako sa ngayon dito sa kusina. Iniwan kong nakabukas ang pinto para makita ko agad kung may paparating. Hinihintay kong matapos ang timer ng oven para makakain na ako. Naghuhugas ako ng mga pinaggamitan ko sa pagluluto ng makarinig ako ng kalabog mula sa labas ng kusina. Nagulat ako ng sumulpot si Clark sa labas ng pinto ng kusina, pagkababa ng hagdan. Punyemas! Di ba may pasok ‘to? Magulo ang buhok n’ya at nakasuot s’ya ng white t-shirt at checkered boxers. Mukhang hindi n’ya pa ako nakikita dahil dumire

