scrub suit at medyas saka pumasok sa laundry area para ilagay ang damit sa loob ng washing machine. Isinabay ko na rin ang scrub suit ni Clark na hindi nalabahan kahapon. Automatic naman na iyon kaya hindi ko na kailangan pang magpuno ng tubig. Inayos ko lang ang settings ng washing machine at naglagay ng detergent sa lalagyan. Matapos iyon ay pinindot ko na ang start button at kusa na itong umandar. Bukas ko na iyon kukunin. Or si Manang na ang bahala roon. Nakasuot na lamang ako ng sando at cycling shorts. Bumalik ako sa sala saka kinuha ang bag ang umakyat na sa kwarto. Nagasikaso na rin ako para magpahinga. Matapos kong gumamit ng banyo at gawin ang ritwal ko bago matulog at pumwesto na ako sa higaan at pabagsak akong humiga. "Ahh! Finally!" Sigaw ko at umayos ng paghiga. Inaantok n

