I never thought he's such a dedicated person. I became lost in my thoughts. Nagbalik lang ako sa reyalidad ng maalala kong may pasok nga pa pala ako bukas. Binilisan ko na ang pagkain at pagkatapos ay iniligpit ko na ang lahat sa lamesa at isinalang ko na lang sa dishwasher na minsan ko lang gamitin ang mga hugasin. Pumanhik na ako papunta sa kwarto. Naabutan ko na lang si Clark na nakadapa at mahimbing na ang tulog. Hindi man lang s'ya nakapagbihis o nakapaghubad ng sapatos. Ako na ang nagtanggal sa kanya ng mga iyon. Iniwan ko na lang s'ya na nakasando at boxers saka pinaayos ng higa at kinumutan. Matapos iyon, saka lang ako nag-asikaso para matulog. Tumabi ako sa kanya sa kama at hinila ang kumot na nawala sa ayos. I brushed my fingers on his hair and heaved a sigh. "Good night. I

