Chapter 96

1136 Words

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na naramdaman ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame at ilaw na dahilan ng pagkasilaw ko. Unti-unti ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakita ko ang nakakabit na IV line sa likod ng palad ko. Bahagya akong bumangon habang nakasapo ang isang kamay sa ulo. “Nasa ospital ba ako?” pagtatanong ko sa sarili. Narinig ko ang pagbubukas ng pinto at ang boses ni Jas na tila may kausap. Maya-maya pa’y sumigaw na ito. “Beshy! OMG! Buti na lang gising ka na!” nakakabinging bungad n’ya sa akin at kaagad s’yang lumapit sa gilid ng hospital bed. Bakas sa mukha n’ya ang pagaalala. Pinindot na rin n’ya ang monitoring device na nakakabit sa pader malapit sa headboard upang i-alerto ang nurse sa station. “Nasaan ako?” tano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD