At exactly eight in the evening, nakauwi na sina Zoey sa villa ni Francis. Pagkahinto ng sasakyan sa garahe ay napakunot noo si Zoey. Natanaw kasi niyang ang dilim sa loob ng villa at para bang wala ni isang tao. "Babe, bakit naman nakapatay ang ilaw? Hindi ba nauna nang umuwi sina Yaya Sally?" "Hindi ko alam, baka nakalimutan lang ng ibang mga maids buksan," tugon ni Francis habang inaayos ang wheelchair ni Zoey. Pero ang totoo niyan ay may hinanda silang pa welcome home party kay Zoey. And thanksgiving party na rin dahil nakalabas na ito ng hospital. Nang malaman kasi ng mommy and daddy ni Francis sa kuya nila ang totoo ay mga ito na mismo ang nag-suggest at nag-ayos ng pa welcome party para kay Zoey. Sinadya rin ni Francis na huli na sila makauwi dahil sa pa-surprise na ito sa kany