At 8 a.m... "Anong balita?" tanong ni Lucas pagkadating na pagkadating ni Lander sa office niya. "Hindi pa namin natutunton ang lungga ni Miss Santiago. Dalawang tao lang kasi ang pinagkakatiwalaan niya na lumapit sa kanya. Ang spy natin ay sa kabilang grupo nakasama. Puro tawag lang ang communication nila at hindi sa personal. Mautak rin itong si Amanda, mukhang sanay sa trabaho niya," napapailing na sabi ni Lander sabay upo sa bakanting upuan sa harap ng desk ni Lucas. "May araw rin ang babae na iyon. Hindi lahat ng oras sa kanya," tugon ni Lucas na ang attention ay sa files ni Amanda. "Siya nga pala, tingin ko may pinapagawa rin si Miss Santiago kay Monaliza Garcia. Kaya kailangan bantay sarado si Zoey dahil iisang hospital lang sila. Tingin ko rin may ginagawang hindi maganda si M