Alas tres ng hapon pagkagising ni Sophia ay agad na sila bumalik sa villa. Medyo maayos na ang pakiramdam ni Zoey pero kailangan pa rin niyang magpahinga. "Yaya Sally, ikaw muna ang mag-asikaso kay Sophia dahil may sakit si Miss Garcia," utos ni Francis kay Yaya Sally pagkadating nila villa. "Noted, Sir," magalang na tugon nito. "Miss Garcia, puwede ka na magpahinga," baling ni Francis kay Zoey. Tumango lang si Zoey bilang tugon. Sumunod na siyang umakyat kay Yaya Sally kasama si Sophia. Kahit kasi magaan na ang pakiramdam niya ay gusto pa rin niyang magpahinga dahil kailangan na din niya makapagbukas ng puwesto nila. "Mom," tawag ni Sophia ng akma niya itong iwan sa room nito. "Baby, si Yaya muna kasama mo, ha? Mommy is sick, I need to rest," paliwanag niya. "No!" umiiling-iling n