Pagkatapos kumain at mapaliguan si Sophia ay dinala ni Zoey ang bata sa mini playground sa labas ng villa. Nakasanayan na nilang gawin iyon tuwing umaga. Ayaw kasi niyang masanay ang bata sa loob ng bahay at puro gadgets ang kaharap. Kumpleto sa mga laruang pambata sa playground may padulasan, duyan mini house at iba pa. "Hi!" isang baritonong boses ang tumunog. Paglingon ni Zoey at medyo nagulat siya. Kinurap kurap pa niya ang kaniyang mga mata. Akala kasi niya ay namamalikmata lang siya. Si Jeffrey kasi ang nakita niya na nakatayo paglingon niya. "S–Sir J–Jeffrey? Nakakalakad ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya. Halos tatlong buwan din kasi niyang hindi nakita ito. "Yes, nakakalakad na ako. Kamusta ka na?" nakangiting tanong nito. "Okay lang po, masaya po akong makita na naka