"Hello, Bes," sagot ni Zoey ng tawagan siya ng kaibigan. "Lou, dadaan ka ba ulit dito mamaya?" tanong nito. Lou ang tawag ni Mariel kay Zoey dahil sa nasanay na siya na Lou din ang tawag ni Michael rito. Zoey Lou kasi ang buong pangalan ni Zoey. "Oo at dadalhan kita ng pagkain mo mamaya. Dadaan muna ako sa apartment pagkatapos ng trabaho ko kay Mr. Alejandre para ipagluto kita," tugon ni Zoey. "O sige, hihintayin kita," wika nito. Saka pinatay na tawag. Bago mag-alas kuwatro ay inayos na ni Zoey ang gamit niya. Dadaan muna siya sa apartment para ipagluto ng food si Mariel. "Mom," sigaw ni Sophia. "Baby, babalik si Mommy, okay? Dito ka muna dahil hindi ka puwedeng pumunta ulit sa hospital at delikado sa iyo," alo ni Zoey kay Sophia. Noong pumunta kasi sila sa hospital ay hindi siya p