"Zoey?" anang Marian ng mamataan na may nakaupong tao sa balkonahe nila. Kanina pa kasi niya ito hinahanap dahil hindi na niya ito nakita sa loob. "Miss Marian, ikaw pala. Inaantok kasi kanina si Sophia hindi siya makatulog kasi maingay sa loob kaya dinala ko muna siya rito." "Sana sinabi mo sa akin para doon na lang kayo sa guests room sa taas," tugon nito. "Alam ko kais busy ka kaya ayoko makaabala sa iyo. Nakatulog na si Sophia kaya okay lang," tugon ni Zoey. "Halika na sa itaas para makahiga ng maayos si Sophia at para hindi ka na rin mahirapan," aya nito sa kaniya. "Miss Marian, galing kasi si Jeff rito, ang sabi niya, ipapaalam lang niya kay Mr. Alejandre na ihahatid na lang niya kami pauwi," magalang na sabi ni Zoey. "Mamaya na lang kayo umuwi, ako na ang kakausap kay Jeffrey