Nang makaalis na si Mrs. Bertram, napaisip rin si Zoey. Malakas ang kutob niya na mommy niya ang tinutukoy nito na familiar ang mukha. Siguro ay nakasalamuha na nito ang mommy niya noong nabubuhay pa ito. Hindi kasi maikakaila na kamukha niya ang ina. "Mom..." anang Sophia na ang mga mata ay namumungay. "Why, baby? Inaantok ka na ba?" tanong niya kay Sophia habang karga ito. Hinawakan naman niya ang ulo nito para isandal sa kaniyang balikat. Ngunit halos labinlimang minuto na sila sa ganoong posisyon ay hindi pa rin ito nakakatulog. "Mom..." muling sambit ni Sophia. "Why? Dahil ba maingay kaya hindi ka makatulog? Sige maghahanap si mommy ng puwesto na hindi maingay para makatulog ka." Pagkatapos sabihin iyon ay nagpalinga-linga si Zoey para maghanap ng lugar na wala masyadong tao. Ng