"Hello, ma'am," tugon ng isang boses lalaki. "May ipapagawa ako sa iyo. Siguraduhin mong hindi ka na papalpak sa ngayon!" "Ano na naman ang ipapagawa mo sa akin?" "Dalhin mo sa akin si Mrs. Garcia!" "Ha? Sinong Mrs. Garcia? Saan ko naman makikita iyang pinapahanap mo?" tugon nito. "May isi-send akong address at litrato ng taong iyon. Dalhin mo siya rito sa dating tagpuan. Mag-iingat kang walang makakasunod sa iyo dahil hindi nila puwedeng malaman kung nasaan ako. Mainit ako ngayon sa mga police," utos ni Amanda sa taong binabayaran niya. "Masusunod, ma'am," mabilis na tugon nito. Pagkatapos niyon ay agad ng ipinadala ni Amanda ang address at picture ng taong gusto niyang makausap. Kailangan niyang gamitin ang si Monaliza Garcia upang magtagumpay sa mga plano niya. Kung makumpirma