"Hello, nasaan ako? May tao ba diyan?" sigaw ni Zoey. Pilit niyang inaaninag ang madilim na paligid. "Huwag ka dito, umalis ka. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo," boses ng babae ang sumagot. "Sino ka? Saang lugar ito?" "Ang lugar na ito ay ang walang hanggan. Bumalik ka na kung saan ka galing. Hindi ka pa puwede pumasok rito," muling tugon ng isang boses babae. "Bakit hindi puwede?" nagtatakang tanong ni Zoey na habang palinga-linga kung saan nanggagaling ang boses na iyon. "Marami ka pang misyon na dapat tapusin sa lupa. Hindi mo pa oras. Marami pang taong naghihintay sa pagbabalik mo. Maraming nagmamahal sa iyo," muling wika nito. "Sino ka? Bakit andito ka?" "Ako ito little sister. Narito ako para ituro sa iyo ang daan pabalik. Kailangan mong makabalik sa lalong madaling panah