Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi May 1, 2019 "Sabihin mo sa akin Lucario, hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa mortal na ito?" tanong ng kanyang ama. "Para sa kanya at para sa kaligayahan ko ay handa akong mamatay." ang seryosong sagot ng anak. "Magaling." ang tugon ng ama at dito ay humakbang ito palapit kay Lucario. Nag simulang mag liyab ang kanyang buong katawan. Gumapang ang apoy mula sa kanyang braso paakyat sa kanyang ulo.. Palakas ng palakas ang apoy hanggang sa balutin nito ang kanyang buong katawan. Ilang minuto rin siya sa ganoong pag lilibyang hanggang sa marahang humupa ang apoy.Dito ay napapansin kong unti unting nag babago ang anyo ng ama ni Lucario. Isang nilalang na mas matangkad, mahaba ang buhok at may sungay na animo isang demonyo! Part 50: Hadla