Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi April 28, 2019 "Panginoon, may dalawang malakas na pwersa ang patungo dito sa templo!" ang wika ni Mr. Alponso. "Oo, naramdaman ko ito. Ang pwersang ay kay Heneral Nephi at ang isa naman ay sa aking ama!" ang wika niya at dito nga ay nag liwanag sa labas ng templo. Ilang malalakas na kidlat ang tumama sa lupa kasabay nito ang pag sulpot ng dalawang lalaki sa bakuran kaya mas lalo pang binalot ng kaba ang aking mga kasamahan sa templo. Part 49: Magkadugo Agad na tumayo si Mr. Alponso para sumilip sa labas ng templo kung saan nag mumula ang malakas na pwersa. Dito ay halos lumuwa ang kanyang mata at mautal noong makita ang mga nasa labas. Muli itong tumalikod sa pader habang pinipigil ang pangangatog ng kalamanan “Panginoon, nasa labas si Pan