Part 61: Ang Dalawang Suyon

2181 Words

Sa Piling ni Lucario Season 3 AiTenshi May 9, 2019   Muli akong tumawid sa oras ng lagusan at pag labas ko dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa likuran ng templo kung saan may isang batang nag lalaro, hawak ang isang lumang laruan sasakyan na kulang pa ang gulong, madusing ito at parang sinubsob sa putikan. Nangiti ako sa aking nakita, dahil ang batang ito ay walang iba kundi ako. Part 61: Ang Dalawang Suyon Lumakad ako sa kanyang likuran at noong maramdaman niya ang aking prisensiya ay lumingon ito sa akin ngunit maya maya ay binawi rin niya agad at ipinag patuloy ang kanyang ginagawang pag lalaro. Kaya naman nakatuwaan kong tumabi sa kanya at kausapin ito. "Bakit mag isa ka dito? Nasaan yung mga kaibigan mo?" tanong ko. "Wala po eh, wala naman akong kaibigan." ang sagot niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD