Sa Piling ni Lucario Season3 May 8, 2019 Isang hakbang pa ang aking ginawa.. Narating ko ang hangganan ng lagusan. Binalot ng liwanag ang aking katawan at natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na lugar, batid kong sa mga oras na ito ay naka balik na ako sa nakaraan upang simulan ang aking misyon. Part 60: Ang Lihim ng Nakaraan Noong makalusot ako sa lagusan ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang madilim na lugar. At ang lugar na ito ay ang balon. Kaya naman iniangat ko ang takip nito at kusa akong lumabas dito. Maingat akong sumampa sa bunganga nito at dito ay laking gulat ko noong makita si Itay. Bata pa ang kanyang itsura at katabi niya rito ang aking ina. Gulat na gulat si Itay sa kanyang nakita kaya nanlaki ng husto ang kanyang mga mata. Wala akong nagawa kundi an