Sa Piling ni Lucario Season3 AiTenshi May 7, 2019 Maya maya ay tumawa siya ng malakas. “Suyon, naniniwala ka ba talaga na kaya kong pagalingin ang sakit mo? Ang likidong ininom mo ay isang LASON! Ito ang lunas sa iyong pag hihirap! Ang dapat sayo ay mamatay na!” ang wika nito na galak na galak. Dito ay biglang bumulwak ang dugo sa aking bibig, nag dugo rin ang aking mata, tainga at ilong. Ang aking katawan ay parang sinusunog kaya naman nag sisigaw ako ng husto. “Tulong!! Tulungan nyo akoooo!!” ang paki usap ko habang tumagas ang dugo sa aking mukha. Naka tingin lamang ang mga babaylan at ang kawal, ang ilan sa kanila ay nag tatawanan pa.. Habang nasa ganoong pag hihirap ako ay bigla nag liwanag ang aking kinalalagyan. Kulay pula ang ilawanag na iyon. “Oras na para umuwi ka Suyon