Ilang sunod-sunod na katok mula sa labas ang nagpakislot sa akin sa bath tub na hindi ko na gustong layasan pa. Nanginginig na ang labi ko dahil sa lamig sapagkat kanina pa ako nakakababad dito. Hindi ako makatulog ng ayos at nang maisipan na gawin ito mula kaninang madaling araw ay hindi na ako umahon hanggang ngayon. Ilang beses na nila akong sinusubukan na palabasin ngunit hindi ko mahatak ang sarili ko dahil sa panlalambot at kaba. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko maitatawid ang araw na ito ng hindi ako nakagagawa ng kapalpakan dahil naglalayag mabuti ang aking isip sa ibang bagay tulad ng kung paano ko mapapatigil ang kasal. Should I hurt myself? That will cause me blood and that won’t do me any good. I have been rooting for Mr. Jarvis to give me some explanation but