Someone, please save me. Paulit-ulit na sinasambit ng utak ko ang mga katagang iyon ngunit hindi ng aking bibig. “Napakaganda po ng disenyo ng inyong kasuotan, Lady Loren,” bati ni Caleb na nakatayo sa bandang likod ko. Sandali ko siyang nilingon at pinasalamatan kahit papaano. Matapos iyon ay bumagsak ang tingin ko sa may gown na suot ko at ngayon lamang nabigyang pansin ang istilo at disenyo noon. Nilingon ko si Trisha na agad na isinalubong ang tingin sa akin. “Thank you,” bulong ko. Bumalatay ang pagtataka sa kaniyang mukha ngunit kalaunan ay sumang-ayon na lang sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa harapan, nakasara ang pinto noon at hinihintay ang pagbibigay nila ng signal. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at halos ikasilaw ko ang liwanag ng apoy na sumalubong sa aki